“BIANCA, didnʼt I—” Ang iba pang sasabihin ni Amanda ay nabitin sa ere nang pag-angat niya ng ulo ay makita si Marco Advincula. One of the gorgeous bachelor men to their batch. The youngest son of Don Clemente Advincula. Her best friend since high school until college but not until she met Daniel. Mula nang maging sila ni Daniel ay umiwas na ito. Minsang umamin sa kanya si Marco na crush siya nito high school pa lamang sila. Ngunit naging matapat siya rito na tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay niya sa lalaki. Malugod namang tinanggap iyon ng kaibigan. Isa pa ay hindi magkasundo sila Daniel at Marco. Dahil na rin sa magkabaliktad ang pag-uugali ng dalawa. Si Marco kasi ang tipo ng tao na palabiro, kayang makibagay kahit kanino. Kaya talagang attractive rin ito sa mga kababaihan

