“MAʼAM, may delivery po ulit para sa inyo.” Napalingon si Amanda kay Sheila at sa hawak nitong bungkos ng bulaklak. Pareho silang napatingin ng tiyahin sa hawak na bulaklak ng kasambahay. Nang mga oras na iyon ay magkasabay silang kumakain ng almusal. Kinuha niya iyon at inilagay sa gilid ng mesa. “Kanino raw galing?” “Hindi po ulit sinabi, eh.” “Sige, salamat,” sabi niya sa dalagita. Ang bulaklak kahapon at ang kanyang natanggap noong una ay pareho lang. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may card na itong kasama. 'Forget me not,' basa niya sa isip sa nilalaman ng card. She shook her head with a dismay on her face. “Ayaw talagang sumuko,” turan niya at muling ipinagpatuloy ang pagkain ng breakfast. Mula sa kanyang tabi ay napalingon ang tiyahin sa sinabi niya. “Who is it, Amanda?

