ISANG katok sa pinto ang pumutol sa iba pang sasabihin ni Manang Soledad. Napatingin siya rito at sinabing, “Sandali lang po.” Binuksan niya ang pinto at napagbuksan niya ang kanyang tiyahin. “Oh, Tita. Bumalik ka?” “May ipapasuyo sana ako kay Soledad bago ako umalis.” Sumulyap ang tiyahin sa matanda. “Manang mamaya na lang. Sabihin mo sa ʼkin pagbalik mo,” nakangiting sabi niya sa matanda. Tumango ito at alanganing sumunod sa kanyang tiyahin. Siya naman ay nilingon ang amang nakatunghay pa rin sa terrace. Lumapit siya rito at tinanong, “Gusto niyo po bang manood muna ng tv?” Hirap man ay nagawa pa rin nitong tumango nang marahan. Kung kayaʼt agad niyang binuksan ang telebisyon. Saktong mukha ni Margarette Cantivaniez ang unang bumungad sa screen ng telebisyon. Nasa isang press con

