SA unit niya tumuloy si Antonn matapos nitong ihatid si Honey sa bahay ni Mrs. Shin. Napansin agad niya na kung kanina ay bakas na bakas ang saya sa anyo nito, nang sila na lang ang magkasama ay seryoso na ito, tila may malalim na iniisip. Ang hindi niya sigurado ay kung ano iyon at kung may kinalaman ba iyon sa sasabihin niya. Inilapag ni Rajed sa harap nila ang alak at dalawang wine glass. Sinalinan niya ang baso ni Antonn. Inabot nito iyon at sumimsim. "How are you, Raj?" ang itinanong ni Antonn, sa isang bahagi ng dingding sa sala nakatingin. Naudlot saglit ang pagsimsim niya ng alak. Alam ni Rajed na mas malalim ang kahulugan ng tanong nito, hindi simpleng pangungumusta iyon. "Don't make me guess, Antonn. What is it?" nahuhulaan na niyang may gusto itong sabihin. "Nakasabay ko sa

