NAKATULOG nga ang Kuya Antonn niya pagkatapos nitong sumuko sa asaran at labanan nila gamit ang mga unan ni Rajed. Walang mag-iisip na sa likod ng malakas na personalidad ng Kuya ni Regine, ang isang bahagi nitong iyon. Nami-miss niya ang ganoong bonding nila noong nasa Amerika ito. Pakiramdam niya ay nagbabalik sila sa pagiging bata kapag nagkukulitan sila-isang bagay na ninakaw sa kanila noon ng kanilang ama. Maingat na kinumutan ni Regine ang kapatid bago siya lumabas ng silid. Hindi na niya ito hihintaying magising. Kailangan na niyang umuwi. "Raj?" nasa sala si Rajed at abala sa file na binabasa. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata nila. Marami siyang gustong sabihin pero nasa silid lang ang Kuya niya, madaling magising iyon kaya hindi sila puwedeng mag-usap ng anumang bagay na

