Eighteen

1049 Words

WALA sa loob na tinapos ni Rajed ang pakikipag-usap kay Quiven sa cell phone nang bumukas ang pinto ng unit at iniluwa ang nakangiting si Antonn. "Antonn!" hindi niya naitago ang pagkagulat. Naghihinala na ba best friend sa totoong ugnayan nila ng kapatid nito? Kaya wala nang pasabi ang pagdaan sa condo niya? Hindi kaya pinasusundan nito ang kilos ni Regine kaya nalamang siya ang pinuntahan ng kapatid? Hindi gustong kabahan ni Rajed pero kinabahan siya. Kilalang kilala nila ang isa't isa kaya sigurado siyang hindi iyon makakaligtas kay Antonn—isa iyon sa dahilan kung bakit mas mahirap para sa kanya ang magsinungaling ngayong nasa Pilipinas na ang kaibigan. Madali siyang nababasa nito. Siguro, sa tagal nilang naging magkaibigan. Ang totoo, hindi iilang beses na ginusto ni Rajed na aminin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD