Chapter 129 Rufus Pov NANDITO ako sa labas ng gate at naglilinis. Balak ko kasing lagyan ng tanim ang harapan ng bahay namin. Balak kong pagandahin upang maaliwalas. Wala kasing ka tanim-tanim sa gilid. Kaya kanina ay bumili ako ng mga pwedeng itanim dito. Hindi ko na pinasali si Liberty dahil tirik na ang araw. Ayaw kong mahilo siya kaya nasa loob lang siya ng bahay kasama ang kapatid kong si River. Nagluluto sila kanina dahil may bonding sila mga girls mamaya. Pupunta ang mga asawa ng kaibigan ko kaya hinayaanko lamang upang maging masaya din si River. Humingi ng tulong ang asawa ko kanina dahil hindi daw niya malaman kung ano na ang lasa ng niluluto niya. Iba kasi ang panlasa niya ngayon na buntis siya. Wala din naman akong aasahan kay River dahil hindi din siya masarap magtimpla.

