Chapter 130 Liberty’s Pov NANDITO na ang mga kumare ko. Wala pa sila Rizza at ate Macy. Susunod nalang daw sila kaya nauna na sila Chantal, Nisse, Marilyn at Jesirey. Hindi naman umalis si River at sinamahan niya kami dito para mag saya. Ito nalang talaga ang bonding naming mga girls. Hindi kami makainom ng alak dahil may baby sa tiyan namin ni Chantal. Yung asawa ko ay nasa labas parin at sinabi ni Chantal na nando’n daw sila Koa at Honey. Ginugulo na naman ang asawa ko. “Hoy Chantal Sy Zamora, baka naman every year kang buntis ha! Maawa ka naman sa matres mo.” Wika ni Jesirey kaya natawa ako. “Hoy grabe ka naman! Hindi naman siguro. Five years naman ang pagitan bago kami gagawa ng anak ni Honey.” Sabi naman ni Chantal habang ang ngiti niya ay hindi komportable. “I think..” dagda

