Chapter 38

1709 Words

Chapter 38 Liberty’s Pov HINDI ko alam kung ano ba ang nakain ni Rufus at sinundan niya ako dito sa probinsya namin. Ang mas nakakagulat pa ay close na close sila ni papa at mama. Nandito na sila sa kubo at ako naman ay inutusan ng nanay ko na ihanda na daw ang pagkain namin. Labag sa kalooban ko at hindi ako makakilos ng maayos dahil nakatitig sa ‘kin si Rufus. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Hindi ko nalang talaga siya nililingon para alam niyang wala siyang epekto sa ‘kin. “Kumain ka ng marami, Rufus ha! Wag na wag kang mahihiya.” Sabi ni mama na nakangiti pa talaga kay Rufus. Napangiwi ako sa mga pinaggagawa ng mama ko na inaayos pa talaga ang plato ng binata. “Sige po, mama.” Sabi ni Rufus na ikinalaki ng mata ko. “Hoy! Mama ka dyan!” Saway ko kay Rufus at pinandilatan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD