Chapter 39 Liberty’s Pov ILANG ARAW ng nandito si Rufus sa bahay namin. Ang walangya, akala ko ay may bahay siyang tutuluyan dito sa probinsya. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin sa ‘kin na wag ko daw siyang alalahanin dahil may tutulugan daw siya. Yun naman pala ay sa bahay pala namin siya titira. Badtrip talaga ako kay Rufus lalo na’t mas kinakampihan pa siya ng mama at papa ko. Kulang na nga lang ay ipamigay nila ako kay Rufus. Hindi ko alam kung sino ang anak nila dahil sa pinaggagawa nila. Naghahapunan kami at katabi ko na naman si Rufus. Panay pa ang tukso ng kapatid ko sa ‘kin at kilig na kilig siya kapag bumabanat si Rufus sa ‘kin. Isang banat pa talaga niya ay babanatan ko na talaga siya. Tahimik lang akong kumakain hanggang sa matapos ako. Natapos na din kumain ang mama a

