Chapter 40 Liberty’s Pov INUTUSAN ako ni mama na pumunta ng palengke ng maaga. Kaya sinunod ko naman siya dahil wala na daw laman ang ref namin. Tulog pa si Rufus sa sala at naghihilik pa ng mahina ng madaanan ko siya. Hindi ko nalang siya ginising dahil sigurado ako na sasama siya sa ‘kin. Nasa palengke parin ako at kulang pa ang mga pinamili ko. Panay ang tingin ko sa paligid dahil hinahanap ko ang hipon. May nakalista kasi sa binigay ni mama kaya kailangan kong bilhin yun. Naglakad akong muli at saktong napunta ako sa mga nagtitinda ng sea foods. Nakita ko kaagad ang hinahanap kong hipon. Agad akong lumapit do’n upang makabili ako. Ngunit nagulat ako ng may sumabay sa ‘kin na bumili. Familiar kasi sa ‘kin ang mukha ng lalaki kaya napatitig ako sa kanya. Naramdaman yata ng lalak

