Chapter 41 Rufus Pov MASAMA kong tinignan ang lalaking kausap ni Liberty na panay ang papansin sa dalaga. Inis na inis ako dahil napapangiti niya si Liberty. Parang gusto kong pumatay ng tao ngayong araw at itapon sa ilog ang bangkay niya. Konting konti nalang talaga ay masasakal ko na ang lalaki. “Ngayon na nga lang din ako bumisita sa bahay niyo eh. Ang tagal na siguro nong huli akong pumunta dito, yung mga bata pa tayo.” The man said while smiling. Damn! I want to punch him in the face. Ang lakas ng loob niyang kausapin ang babaeng mahal ko habang nasa harapan nila ako. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Liberty na asarin ako sa pamamagitan ng lalaking kausap niya. Pero masasabi ko talaga na kuhang kuha nila ang inis ko. Baka kapag hindi ako nakapagpigil ay magwala na talaga ako s

