Chapter 2
Liberty’s Pov
MAAGA akong nagising dahil may pupuntahan ako ngayong araw. Susunduin kasi ako ni William at sasamahan niya ako kumuha ng stock at pumunta ng shop.
Nag inat na muna ako ng katawan saka ako tuluyang bumangon. Una kong nilapitan ay ang bintana. Hinawi ko ang kurtina at nakita kong napaka ganda ng sikat ng araw. 7AM na din kasi. Wala naman akong gagawin sana pero dahil sa may lakad kami ay napaaga ang gising ko. Nagigising kasi ako mga 8 or 9AM kapag wala akong lakad.
Ako lang naman kasi ang nakatira sa bahay. Umuwi na kasi sa probinsya ang mama at papa ko at naiwan ako sa simpleng bahay namin. Ayos lang din naman kung ako lang mag isa. Hindi naman ako natatakot. Kaya ko naman gumawa ng gawaing bahay at magluto ng pagkain para sa ‘kin.
Ako pala si Liberty Junsay o mas kilala sa pangalan na Libz. Maraming tumatawag sa ‘kin ng Libz pati na din si William. Pati magulang ko ay yun din ang tawag sa ‘kin. 26 years old na ako at may negosyo akong boutique. Nakakahiya mang tanggapin na hindi galing sa ‘kin ang pera na pinang puhunan ko dahil galing yun kay William. Ayaw ko sanang tumanggap mula sa kanya dahil ayaw kong isipin ng ibang tao na pera ang habol ko kay William.
Hindi naman talaga pera ang habol ko kay William. Actually, nakilala ko lang siya dahil sa tinulungan niya ako nong muntik na akong masagasaan. Hindi naman ako humihingi ng tulong sa kanya pero nakikita ko na lang na bumabalik si William sa bahay namin kung saan niya ako hinatid. Nong una ay hindi ko alam kung bakit ganun na lamang siya na palagi na lang dumadalaw. Hanggang sa umamin siya na gusto niya ako.
Nong una ay tumanggi ako dahil ayaw ko talagang pumatol sa matanda. Masyadong malayo ang agwat ng edad namin. Pero talagang makulit si William at hindi nakikinig at kahit anong gawin kong iwas ay mas lalo lang siyang nangungulit.
Hanggang sa nanligaw na siya sa ‘kin. Kung ano-ano na ang binibigay niya kapag pumupunta sa bahay. Sinasabi ko naman na wag niya akong dalhan ng mga bagay. Ngunit lagi lang niyang sinasabi na hayaan ko siya at wag ko daw siyang pigilan.
Hindi ko nga akalain na magiging kami. Nasanay lang ako na nasa tabi ko siya at palagi siyang pumupunta sa bahay.
Wala pa namang nangyayari sa’min. Nirerespeto ako ni William kahit ano pa ang mangyari. Hindi talaga siya sumubok na hawakan ako sa private part. Sabi ko kasi sa kanya ay hindi pa ako handa na ibigay ang sarili ko. Kaya hanggang ngayon na umabot na kami ng isang taon ay hanggang kiss lang sa pisngi at yakap ang ginagawa namin.
Akala ko ay magiging masaya na ako pero hindi pala dahil biglang bumalik ang anak ni William. Ang binatang nakilala ko sa bahay nila William. Natakot ako sa kanya dahil para siyang papatay ng tao ng makita niya ako. Alam ko naman na nabigla lang siya dahil kakabalik lang niya at ang unang sumalubong agad sa kanya ay ako at ang balita na may mahal ang daddy niya.
Malamang ay magagalit talaga siya kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya sa ‘kin. Ayaw niyang mapalitan ang mommy niya kaya sa takot ko nong araw na yun ay nagpahatid na lang ako sa bahay. Ayaw ko ng mag celebrate dahil sa takot ko sa anak ni William.
Ilang buwan na din simula ng mangyari yun. Hindi na ako pumupunta sa bahay pa ni William kahit ilang ulit pa akong pinipilit ni William. Ayaw ko at baka magkita na naman kami ng anak niya at makatanggap na naman ako ng masasakit na salita.
Kung pwede lang ay hindi ko na ulit makita ang anak ni William dahil hindi talaga ako komportable sa kulay abo niyang mga mata. Magkaiba sila ni William na palangiti. Yung anak niya ay para bang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha. Sinalo yata ang kasungitan sa buong mundo.
Lumabas na ako sa kwarto ko dala ang t’walya upang maligo. Baka kasi dumating na si William. Ayaw ko siyang pinaghihintay lalo na’t mas matanda siya sa ‘kin.
Nang makalabas na ako ng kwarto ay tinungo ko ang banyo na nasa tabi lang ng kusina. Agad akong pumasok at isinara ang pinto. Nang maisara ko ay naghubad agad ako ng saplot sa katawan. Nang matanggal ko ay agad akong nagbuhos ng tubig sa katawan. Nagmamadali na ako para pagdating ni William ay nakabihis na ako.
Mabilis naman akong naligo hanggang sa matapos ako. Kinuha ko lang ang t’walya na nakasabit at agad na itinapis sa katawan ko.
Lumabas ako ng banyo na pinapunasan ang buhok ko upang hindi masyadong basa. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at agad na pumasok. Nagmamadali na akong magbihis dahil mag aayos pa ako sa buhok ko. Gusto kong magsuot lang ng simple kaya pantalon at tshirt lang ang sinuot ko.
Nang matapos akong magbihis ay inayos ko na agad ang buhok ko. Naglagay na din ako ng light make up. Baka kasi mamutla ako kaya dapat lang na lagyan ko ng lipstick ang labi ko.
Habang inaayusan ko ang sarili ko sa harap ng salamin ay biglang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha yun at nakitang si William ang tumatawag. Kaagad ko naman sinagot ang tawag niya at niloud speaker ko na lamang ‘to.
“Hon..” tawag niya sa ‘kin sa kabilang linya.
“Hi, hon! Papunta ka na ba sa bahay ko?” Tanong ko sa kanya habang walang tigil ang kamay ko sa pag aayos sa buhok ko.
“Yes, nasa labas na ako ng bahay mo. Ready ka na ba?” Tanong niya sa ‘kin kaya nataranta tuloy ako at nagmamadali na akong kumuha ng pabango at ini-spray sa katawan ko.
“Palabas na ako..” sabi ko sa kanya saka ako lumabas ng kwarto. Tanging ang dala ko lang ay phone at maliit na shoulder bag kung saan nakalagay ang wallet at susi ng bahay.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ko na agad ang sala. Lumabas ako ng bahay at pinatay ko na din ang phone. Nakita ko naman na ang kotse ni William kaya tinungo ko yun. Nang makarating ako sa harap ng kotse niya ay umikot ako papunta sa passenger seat.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa ‘kin ang mukha ng boyfriend ko na nakangiti. Pumasok ako sa loob ng kotse na nakangiti dahil kay William. “Have you eaten your breakfast?” Tanong niya kaya umiling ako.
Binuhay naman niya ang makina ng kotse at agad na pinusad. “Mag breakfast na muna tayo bago tayo kumuha ng stocks.” Sabi ni William kaya tumango ako.
Hindi na ako nagsalita pa at tumingin lang ako sa labas ng bintana. “Kumusta ka naman? Hindi na tayo madalas magkasama at hindi mo na din ako madalas dinadalaw sa bahay.” Saad ni William kaya nilingon ko siya at ngumiti.
“Alam mo naman ang rason ko. Ayaw kong magalit na naman ang anak mo, William. Ayaw kong mag away kayo. Kayo na nga lang dalawa ng anak mo, mag aaway pa ba kayo dahil lang sa ‘kin. Ayaw ko naman masira ang relasyon niyong mag ama. Alam ko naman na hindi niya tanggap na may girlfriend ka kaya ako nalang ang umiiwas.” Saad ko kaya lumingon sa ‘kin si William.
“Hay.. yung bata na yun talaga.. malapit kasi siya sa mommy niya kaya ganun na lang siguro ang pinakita niyang asal, Libz. Pero alam naman natin na mahal mo ako at hindi pera ang habol mo sa ‘kin.” Sabi ni William pero hindi na ako sumagot pa.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana. “Wag ka ng mag isip pa kay Rufus, hon. Sigurado ako na matatanggap ka din niya bilang stepmother niya. Sa ngayon ay hayaan na muna natin siya at wag pilitin na tanggapin ang relasyon natin.” Saad ni William ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
Hanggang sa makarating kami sa restaurant na napili ni William. Gusto ko lang naman kumain ng tinapay at gusto ko din magkape lang. Sa restaurant pa talaga.
Ipinark ni William ang sasakyan at agad niya akong inaya para sana maglakad papunta sa restaurant. Ngunit napahinto siya sa paghakbang ng biglang tumunog ang phone niya.
Napatigil na din ako at tumingin kay William. “Mauna ka na pumasok, hon. Kakausapin ko lang ang tumatawag.” Sabi niya sa ‘kin kaya tumango ako at agad na naglakad papunta sa pinto ng restaurant.
Ngayon pa lang ako nakapunta dito at halata na pang mayaman lang ang kumakain. Ayaw ko talaga sa mga ganitong lugar dahil hindi naman ako bagay sa mga ganito. Ayos na sa ‘kin ang karinderya pero wala talaga eh, si William naman ang may gusto na dito kami mag almusal.
Pumasok ako sa restaurant at agad kong inilibot ang tingin sa kabuuan ng restaurant. Ngunit nawala ang ngiti ko ng may makita akong nakatayo at matalim na nakatingin sa ‘kin.
Nanigas yata ang katawan ko sa sobrang takot ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito sa restaurant. Akala ko pa naman ay hindi na magtatagpo ang landas namin kahit pa nga todo iwas na ako.
Mas lalo akong kinain ng kaba ng makita kong naglakad papunta sa ‘kin ang anak ni William na si Rufus.
Nang makarating siya sa harapan ko ay para akong nanghihina sa titig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at sasabihin ko sa kanya.
“Why are you here? Kaya mo bang magbayad dito?” Tanong niya na halatang gusto na naman akong ipahiya.
“M-May kasama po ako.” Nauutal ko pang sagot.
“Daddy ko ba? Siya lang naman kasi ang pwedeng magdala sayo dito.” Sabi niya sa bored na boses.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at tumango na lamang ako. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa kaba na nararamdaman ko. Malamang kasi ay galit na naman siya sa 'kin. Hindi na ako magtataka kung mumurahin niya ako.
“Rufus..”
May tumawag sa pangalan ni Rufus kaya nakahinga ako ng maluwag lalo na’t si William yun. Hindi talaga ako kampante na nandito sa harapan ko ang anak ni William. Natatakot talaga ako lalo na kapag masama siyang nakatingin sa ‘kin. Mabuti na lang at dumating agad si William.
Nawala na ang atensyon ni Rufus sa ‘kin dahil sa pagdating ni William. Sila na ngayon ang magkausap habang ako naman ay naghanap ng mauupuan. Sumenyas kasi sa ‘kin si William na maghanap na ako at para bang sinasabi niya na siya na ang bahala sa anak niya.
Sinalba na naman ako ni William sa anak niyang palaging mainit ang ulo sa ‘kin. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako titigilan upang hindi na ako makaramdam ng takot pa sa kanya at mamuhay na ulit ako ng walang iniisip na may ayaw sa ‘kin. Ayaw ko kasi talaga na may kaaway ako. Parang ang bigat sa pakiramdam kapag ganun. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko upang hindi na niya ako pag initan. Sa mga titig pa lang ni Rufus sa 'kin ay natatakot na ako kaya hindi ko magawang titigan ang mga mata niya.