Chapter 3
Rufus Pov
TAHIMIK akong nakaupo habang lumalagok ng alak. Hindi parin mawala sa isipan ko ang girlfriend ng magaling kong ama. Nakakainit ng ulo ang pagmumukha ng babae. Ang mas nakakairita pa ay hindi ko alam kung paano ko sila paghiwalayin dalawa.
Inilapag ko ang baso sa mesa at agad kong pinulot ang bote ng alak upang magsalin muli. Gusto kong magpakalasing upang mawala sa isipan ko ang mukha ng babae.
Natigilan ako bigla ng may tumapik sa balikat ko. Agad kong nilingon kong sino yun at nakita ko si Hiroshi. Ang tracker ng dati naming grupo.
“Hey!” Bati ko sa kanya.
“Himala yata at naglalasing kang mag isa. Problema sa babae o sa negosyo?” Tanong ni Hiroshi sa ‘kin kaya nalukot ang mukha ko.
“Wala sa dalawa. Maayos ang negosyo ko, sa babae naman ay wala akong pakialam.” Sagot ko sa walang emosyong boses.
“I see.” Tugon niya saka may inilapag na brown envelope. “Heto nga pala ang inutos mo sa ‘kin nong isang araw. Lahat ng information ng taong yan ay nandyan na.” Sabi niya kaya napatango tango ako.
“Thanks, man.” Pagpapasalamat ko sa kanya.
“I don’t accept thank you for payment, buddy. I need money, kaya pera ang ibayad mo. Aanhin ko yang thank you mo?” He said in a sarcastic voice.
I gasped because of what my friend said. I opened the envelope to see the woman’s information. Para malaman ko kung worth it bang bayaran ang serbisyo ni Hiroshi. Baka nag aaksaya lang ako ng pera.
Binasa ko ang mga nakalap niyang impormasyon sa babae. “Anong nakain mo at nagpautos ka sa impormasyon ng isang babae? Nakakain ka din ba ng buhok ng pvke?” Tanong ni Hiroshi sa inosenteng boses. Napatigil tuloy ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya. Nagulat lang ako sa sinabi niyang pvke. Malamang ay may nagturo na naman sa kanya.
“Saan mo na naman nalaman ang word na yan?” I asked while frowning.
“Kay Honey. Narinig ko sa kanya. Bakit? Kumain ka din ba ng pvke?” Tanong niya muli sa ‘kin.
“Bakit ako kakain ng ganun? Mukhang lasang kalawang naman yun. Hinding hindi ako titikim ng nakakadiring putahe.” Saad ko saka ibinalik ang tingin sa hawak kong papel.
“Lasang kalawang pala yun? Sabi kasi ni Honey amoy bagoong daw.” Sabi na naman niya kaya tinignan ko ng masama si Hiroshi.
“Pwede bang umalis ka na. I’ll wire you the money. Basta umalis ka na at wag mo na akong kausapin tungkol sa pvke-pvke na yan. Hindi pa ako nahihibang para kumain ng malansang bagay.” Pagpapaalis ko kay Hiroshi.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nagkakamot ng ulo si Hiroshi. Hinaayan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa ko sa impormasyon ng babaeng yun.
Umalis na si Hiroshi kaya naiwan akong mag isa. Uminom akong muli ng alak saka ko binitawan ang walang kwentang impormasyon ng dalaga. Wala naman palang ka interest-interest ang buhay niya.
Siya si Liberty Junsay, 26 years old at two years lang ang tinapos sa kolehiyo. May maliit na bahay sa at may isang kapatid. Sa ngayon ay nasa probinsya na nakatira ang nanay at tatay niya pati na ang kanyang kapatid at doon na nag aaral. Ayon sa binigay na impormasyon ni Hiroshi ay may palayan na ang pamilya ni Liberty. May negosyo din siyang boutique dito sa Manila na galing sa ama ko.
Napaka ganda ng buhay niya dahil sa ama ko. Mas lalo lang uminit ang ulo ko sa dukhang babaeng yun. Malamang ay ginagamit lang niya ang ama ko. Tama ang hinala ko.
Kung ang ama ko ay mabilis niyang mauto. Pwes ako ay hindi. Ako ang makakaharap niya kapag hindi pa niya hiniwalayan ang ama ko. Hindi ako makakapayag na siya ang magiging masaya sa tinatamasang negosyo ng ama ko. Samantalang ang ina ko ay hindi man lang siya nagtagal bago lumago ang negosyo ng ama ko. Hindi niya na-enjoy ang buhay dahil maaga siyang nawala.
Hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat upang kusang umalis ang babaeng yun at magpakalayo layo sa ama ko. Kulang nalang ay dukutin ko ang dalaga at itapon ko sa bangin upang mawala na ng tuluyan.
Ngunit ayaw kong gamitin ang lakas ko para sa mga walang kwentang tao na katulad niya. Hindi ko sasayangin ang lakas ko sa kanya.
Sa inis ko ay pinunit ko ang papel na binigay sa ‘kin ni Hiroshi. Memoryado ko na ang buhay niya. Isa lang ang bagay na tawag sa kanya. Dukha ang dapat na itawag sa babaeng yun.
“Buddy..”
Bigla akong napatigil ng marinig ko ang boses ni Keanu. Agad akong lumingon kung saan nanggaling yun at nakita ko siya. Kasama na naman niya si Honey. Manggugulo na naman ng gabi ko ang hayop na Honey.
“Bakit parang lonely ka dyan, Rufus my friend. May problema ka ba?” Tanong ni Honey ng makaupo siya sa katapat kong upuan.
“Wala. Porket uminom ng mag isa.. lonely na agad para sayo. Hindi ba pwedeng mas gusto kong mag isang uminom?” Saad ko kay Honey habang naka angat ang isa kong kilay.
“Alam mo.. pala sagot ka talaga eh no!” Aniya saka niya ako binatukan sa ulo. Natawa naman si Keanu at agad na umupo sa katabi kong upuan.
Sasamahan na naman yata nila ako. Mas gusto kong mag isa dahil makakapag isip ako ng maayos.
Uminom ang dalawa kong kaibigan at ang pisteng Honey ay kung saan-saan na pupunta ang topic niya. Ako yung nahilo sa mga topic niya. Pati yata detergent ay nasali niya. Kapag siya talaga ang kausap ay hindi mauubusan ng topic.
Habang umiinom kami ay biglang nag ring ang phone ko. Agad na kumunot ang noo ko habang kinukuha ang phone sa bulsa ng pantalon ko.
Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang pangalan ng magaling kong ama. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya.
“Hoy! Sagutin mo na yan. Ang ingay eh..” reklamo ni Honey sa ‘kin kaya napabuga na naman ako ng hangin at walang nagawa kundi ang sagutin ang tawag.
Itinapat ko ang phone sa kaliwa kong tenga at hindi ako nagsalita.
“Rufus..” tawag niya sa pangalan ko sa kabilang linya.
“Why?” Tanong ko sa aking ama.
“How are you, son?” Tanong niya kaya nalukot ang mukha ko.
“Hindi ba’t nagkita tayo kahapon. May kailangan ka sa ‘kin kaya ka tumawag. Wag mo ng aksayahin pa ang oras ko.” I said in a cold voice.
“Okay. Ang laki talaga ng pinagbago mong bata ka. Anyway, may pabor akong gustong hilingin sayo.” Saad niya sa ‘kin.
“What is it?” Bored kong tanong sa aking ama.
“Magiging busy ako bukas. Baka pwedeng ikaw na muna ang sumundo kay Liberty bukas. Please.. maging mabait ka sa kanya, Rufus.” Saad ng aking ama kaya napamura ako sa isipan ko.
“At bakit ko naman gagawin yun? Ayaw ko nga makita ang pagmumukha niya, uutusan mo pa akong sunduin siya.” Inis kong sabi sa aking ama.
“Gusto ko siyang makasabay mag lunch. Kinukulit ko siya ngunit ayaw niyang pumayag. Paano kasi sinusungitan mo. Kaya gusto kong ikaw ang sumundo at dalhin mo siya sa restaurant na sasabihin ko sayo. Aasahan kita, Rufus.” Sabi ng aking ama at mabilis na nawala sa kabilang linya at hindi man lang niya ako hinintay na magsalita.
Putangina talaga! Sa dami ba namang iuutos niya ay talagang susunduin pa ang babaeng mukhang pera. Mas lalo akong nabwisit kaya hindi na ako umimik pa sa mga kaibigan ko at baka maibuntong ko pa sakanila ang galit ko. Hindi ko alam kung susundin ko ba ang ama ko sa utos niya.
Liberty’s Pov
NANDITO lang ako sa bahay ko at wala akong balak lumabas. Panay pa ang text sa ‘kin ni William na magkita daw kami ngayon. Actually, kahapon pa siya nangungulit pero ayaw kong pumayag. Gusto niyang magsabay kami ng lunch mamaya. Ngunit ayaw ko dahil wala ako sa mood. Baka makita ko ang anak na naman niya na masungit. Wala na siyang ginawa kundi ang awayin ako.
Ang sabi kasi ni William ay baka hindi lang daw matanggap ni Rufus na magmamahal siya ng ibang babae. Mahal na mahal daw kasi nito ang ina kaya hindi niya matanggap na papalitan ko ang mommy niya.
Gusto kong matulog na muna dahil na s-stress talaga ako sa anak ni William. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para umamo siya sa ‘kin.
Humiga ako sa kama habang nakatulala sa kisame. Ilang minuto akong nakatitig hanggang sa biglang tumunog ang phone ko na nasa bedside table.
Napabuga ako ng hangin dahil alam kong si William na naman yun. Ang kulit talaga niya. Ayaw talaga akong tantanan hangga’t hindi ako pumapayag sa gusto niya.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Agad kumunot ang noo ko dahil unregistered number ang tumatawag sa ‘kin.
Kahit nagtataka man ay agad kong sinagot ang tawag at itinapat ang phone sa kaliwa kong tenga.
Hindi agad ako nagsalita at hinihintay na magsalita ang nasa kabilang linya. Ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya kaya mas lalo akong nagtaka.
“Hello?” Sabi ko pa sa pa tanong na boses dahil hindi ko kilala.
“Lumabas ka sa bahay mo, hampaslupa. Ayaw kong pinaghihintay ako ng matagal.” Sabi niya kaya agad na bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses ng anak ni William na si Rufus. Tinawag pa talaga niya akong hampaslupa. Nakakainis talaga ang lalaking ‘to pero wala naman akong magagawa. Anak siya ni William kaya kailangan ko siyang intindihin.
“Ano bang problema mo na naman? Paano mo nakuha ang phone number ko?” Tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya na lumabas ako ng bahay. Kung makapagsabi naman kasi siya ay dire-diretso. Wala man lang paliwanag-paliwanag.
“Wala akong interest sa phone number mo, hampaslupa. Ang ama ko ay inutusan ako na sunduin ka at dalhin ka sa pesteng restaurant. Kaya kung ako sayo ay lumabas ka na dyan at wag mo akong paghintayin dito sa labas.” Saad niya sa inis na boses. Sasagot pa sana ako ng biglang namatay ang tawag.
Ibinaba ko ang phone ko at napatitig na lamang sa screen ng phone ko. Mas lalo tuloy akong na stress dahil bakit naman inutos ni William na sunduin ako ng anak niya. Alam naman niya na ayaw sa ‘kin ni Rufus.
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo para magpalit ng damit. Tapos naman na din ako naligo kanina kaya bihis na lang ang kulang ko.
Nakakatakot ang boses ni Rufus kaya kailangan ko ng magmadali. Bahala na talaga ‘to kung ano man ang mangyari
sa ‘kin.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto. Kabado ako habang naglalakad palabas ng bahay. Yung t***k ng puso ko ay ang lakas. Ano ba kasing naisip ni William at si Rufus pa ang pinapunta niya.
Nang makalabas ako ng bahay ay nakita ko agad ang nakasimangot na mukha ni Rufus. Ngayon pa lang ay natatakot na ako para sa sarili ko.
Kahit kinakabahan ay naglakad pa rin ako papunta sa kotse niya. Nasa loob lang naman siya ng kotse niya pero nakababa ang bintana ng driver seat. Kaya kitang kita ko ang nakasimangot niyang mukha.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at agad akong umikot papunta sa passenger seat. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pintuan ng passenger seat. Walang imik si Rufus kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya.
Pati yata pagsara ko sa pinto ay dahan dahan. Pakiramdam ko kasi ay bawal akong huminga at gumawa ng ingay.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Pinagpapawisan tuloy ako at pati ang kamay ko ay pinagpapawisan na sa sobrang kaba.
“Wala ka talagang planong hiwalayan ang ama ko?” Biglang tanong ni Rufus
sa ‘kin.
“W-Wala. Wala naman kasi siyang ginagawang masama sa ‘kin kaya bakit ko siya hihiwalayan.” Sagot ko habang hindi pinapahalata na takot ako sa kanya.
“Talaga lang ha! Malamang hindi mo hihiwalayan ang ama ko dahil mahirap ka eh. Kumakapit ka sa kanya.” Saad niya habang natatawa. Para bang kilalang kilala niya ako sa tono ng pananalita niya.
“Wala na akong magagawa kung yun ang iniisip mo sa ‘kin. Pero sa totoo lang ay hindi ako humihingi ng kahit ano sa ama mo. Siya ang nagbibigay sa ‘kin at kahit anong pigil ko ay ayaw niyang makinig.” Pagpapaliwanag ko naman sa side ko.
“Natural, hindi ka talaga hihingi dahil alam mong magkukusa ang ama ko. Technique niyo yun mga mahihirap.” Saad niya habang naka smirk at palipat lipat ng tingin sa ‘kin at sa daan.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil hindi ko na talaga alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ko. Kung magsasabi naman ako ng totoo ay sasabihin pa rin naman niya na pera ang habol ko. Hindi na lang ako sasagot at hahayaan ko na lang siya kung ano ang gusto niyang isipin sa ‘kin. Mapapagod lang ako sa pagpapaliwanag.
“Hindi mo na sana ako sinundo. Pwede mo naman sabihin sa ama mo na ayaw mo akong sunduin.” Pag iiba ko sa usapan.
“Kung alam mo lang na ayaw kitang sunduin. Napipilitan lang ako.” Walang buhay niyang sagot.
“Alam ko. Pero bakit nandito ka parin? Dapat ay hindi ka na tumuloy.” Malungkot kong sabi. Tumingin naman sa ‘kin si Rufus.
“Bakit ka malungkot? Hindi ba dapat masaya ka dahil palagi kang binibigyan ng ama ko?” Tanong niya sa sarkastikong boses.
“Bahala ka kung yan ang gusto mong isipin. Nakakapagod na magpaliwanag sayo.” Pagod kong sabi saka ako tumingin sa labas ng bintana. Ayaw ko ng sabayan ang ugali niya at baka hindi ako makahinga. Ang lakas na nga ng kabog ng puso ko. Hindi talaga ako komportable na kasama ko siya.
Ngunit habang binabaybay namin ang tahimik na kalsada at walang masyadong kabahayan ay biglang huminto ang sasakyan. Agad na kumunot ang noo ko at lumingon kay Rufus. Nanlaki ang mata ko dahil mukhang may sira ang kotse.
“f**k! Bakit ngayon pa tumirik ang sasakyan!” Galit niyang sabi at nagulat ako ng bigla niyang hinampas ang manibela. Iginilid niya ang sasakyan kaya alam kong may problema.
Binuksan niya ang pintuan ng driver seat at agad na lumabas. Ang lakas pa ng pagkakasara ng pinto kaya nagulat na naman ako. Aatakihin yata ako sa puso kapag siya ang kasama ko.
Bakit naman kasi nasira ang kotse niya. Wala pa namang taxi na dumadaan dito dahil medyo dulo na ang lugar namin at mga puno ang madadaanan. Hindi naman kasi ako mayaman kaya hanggang dito lang ang nakayanan ng ama at ina ko. Pero para sa ‘kin ay ayos lang dahil mas gusto ko ang tahimik na lugar kaysa sa City na maingay at mausok.
Bumaba na lang ako ng kotse at narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Rufus. Natatakot tuloy ako magsalita. Sigurado ako na sa ‘kin na naman niya ibubuntong ang galit niya.
Tumingin sa ‘kin si Rufus kaya napayuko na lamang ako. Ayaw kong matitigan ang mga mata niya dahil nag aapoy sa galit ang kulay abo niyang mata.
Narinig ko na lang na parang may kausap siya sa phone niya. Siguro ay tumatawag na siya ng tulong para ayusin ang sasakyan niya.
Ilang sandali pa ay natapos na siya makipag usap. Sinubukan kong mag angat ng mukha para makita kung anong ginagawa niya.
Nakita kong busy siya sa phone nya. Mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko kaya tumingin siya sa ‘kin. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa titig niya.
“Stop biting your lips. Hindi ba’t sinabi ko na sayo na wag mong kagatin ang labi mo kapag nasa harapan mo ako.” Sabi niya sa seryosong boses kaya nagkabuhol buhol ang paghinga ko.
Tinigilan ko ang labi ko. “S-Sorry. Ganito kasi ako kapag natatakot o kinakabahan. Hindi ko maiwasan kagatin ang ibaba kong labi.” Sagot ko at hindi makatingin sa kanya.
Naglakad naman siya papunta sa ‘kin at umupo siya sa harapan ng kotse. May kinuha siya sa bulsa ng jacket niya kaya napasunod ako sa kamay niya.
Ilang sandali pa ay inilagay niya ang sigarilyo sa pagitan ng labi niya. Gamit ang lighter ay sinindihan niya ang sigarilyo niya. Agad na humithit si Rufus at bumuga ng usok.
Napangiwi agad ako at napaubo ng masinghot ko ang usok. “Ayaw mo ng sigarilyo?” Tanong niya sa ‘kin.
“Hindi ko kayang maka amoy ng usok mula sa sigarilyo. Pasensya ka na.” Panghihingi ko ng sorry.
Natigil naman siya sa pagsigarilyo at napabuntong hininga. Nagulat ako ng bumaba siya sa pagkakaupo at agad na itinapon ang sigarilyo sa kalsada kahit pa nga kakasindi lang niya.
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun pero napangiti ako. Akala ko kasi ay aasarin niya ako lalo sa amoy ng usok ng sigarilyo. Natuwa ako sa ginawa niya pero naka poker face parin ang mukha niya sa ‘kin. Ayos na din yun, at least hindi niya ako sinisigawan o inaaway.
Tahimik lang kaming dalawa ni Rufus. Kahit hindi niya sabihin sa 'kin na may hihintayin kami dito ay ayos lang. Sasamahan ko na lang siya kaysa naman iwanan ko siya dito. Hindi naman siya nagsasalita kaya ayos lang. Hindi na ako kinakabahan. Hindi naman yata niya ako sasaktan dito kahit pa nga malaki ang galit niya sa 'kin.
Author's Note: Sa mga bagong readers ng story ni Rufus at Liberty pa lambing naman po, pa-add po sa library ninyo upang mag notif bawat update. Salamat po! Good morning!