Chapter 4

2138 Words
Chapter 4 Liberty’s Pov HINDI KO alam ang mararamdaman ko lalo na ng magpaalam si William sa ‘kin na pupunta daw siya ng Canada. Kaya naman pala pinasundo niya ako kay Rufus nong araw na yun. One week lang naman daw siya sa Canada dahil may aasikasuhin lang naman daw siya patungkol sa negosyo Gusto niyang isama ako pero hindi naman ako pwedeng sumama dahil may negosyo din ako na inaasikaso. Siya din kasi ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng business. Ayaw ko nga sana pero pinilit naman niya ako magtayo ng sariling negosyo. Kaya ayaw kong sabihin sa anak niyang si Rufus dahil malamang sasabihin na naman no’n na nagka negosyo ako dahil sa ama niya. Pero ang totoo naman ay hindi ko naman talaga hiningi ‘yon. Ayaw ko sanang tanggapin at baka ma-stress pa ako kapag nalugi. Hindi kasi talaga ako marunong magpatakbo ng negosyo. Pero dahil kay William ay natuto ako. Isang tindera lang ang kinuha ko dahil ako ay nagbabantay naman din. Gusto ko kasing matutukan ang negosyo at palaguin ‘to lalo na’t si William ang dahilan ng lahat ng bagay na meron ako. Si ate Diday ang tindera ko. Maasahan ko naman yun kahit hindi ako bumisita sa shop. Nakakatuwa nga at nakahanap ako ng tindera na maasahan eh. Kaya love na love ko si ate Diday. Para na din kasi akong may ate kapag tapos na ang duty sa store. Napabuga ako ng hangin kapag iniisip ko ang anak ni William na si Rufus. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa ‘kin nong nasiraan kami ng sasakyan. May dumating kasi na lalaki. Sa duda ko ay kaibigan niya. Narinig ko kasi tinawag niya ito sa pangalan na Granite. Isang matangkad na lalaki na may angking kagwapuhan din katulad ni Rufus. Nag fist bump pa silang dalawa kaya alam kong kaibigan sila ni Rufus. Simula ng ihatid ako ni ni Rufus sa isang restaurant ay yun na ang huli naming pagkikita namin. Nagalit yata sa ama niya na ibinilin ako sa loob ng one week. Ayaw niya kasi pumayag na siya ang magbantay sa ‘kin. Kahit ako naman ay ayaw kong pumayag. Hindi ko naman kasi kailangan ng bantay. Bakit kailangan pa niya ako bantayan. Nakaka stress ang mga desisyon ni William. Matapos din ang nangyari na nasiraan kami ng sasakyan ni Rufus ay hindi ako nagigising na hindi siya ang panaginip ko. Ewan ko ba kung bakit siya ang napapanaginipan ko. Dahil yata sa alam kong galit siya sa ‘kin at hindi niya ako gusto para sa daddy niya kaya binabanggot na ako sa pagmumukha niya. Hindi ko maalala kung anong napapanaginipan ko sa kanya. Pero naalala ko yung mukha niya. Hindi ko na nga lang sinasabi kay William dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Nandito lang ako sa bahay ko. Namiss ko na ang pamilya ko. Mag isa na lang ako dito dahil ang mama at papa ko ay nakapag desisyon ng bumalik ng probinsya. Alam naman daw nila na hindi ako pababayaan ni William. Tumatawag na lamang sila sa ‘kin. Namimiss ko na nga din ang kapatid ko pero ganun talaga, kailangan ko din talaga magpa iwan dito sa Manila dahil sa negosyo na binigay ni William sa ‘kin. Ngayon ang flight ni William kaya malamang ay nasa airport na yun. Hindi ko na siya hinatid dahil siya naman mismo ang nagsabi na wag ko na daw siya ihatid. Magkasama naman kami kagabi kaya ayos lang na hindi na. Kumain lang kami sa labas at gumala kami sa mga mamahalin na lugar. Ayaw ko sanang pumayag pero wala naman akong magagawa kapag siya na ang may gusto. Hindi ko na nga nakita si Rufus simula no’n at sana ay hindi ko na talaga siya makita dahil hindi talaga ako komportable sa kanya. Balak kong pumunta ng shop ngayon dahil may darating kami na stocks. Tutulungan ko si ate Diday mag ayos at magbilang ng mga items. Nagbihis na ako para makapunta na ako sa store. Nagsuot lang ako ng pantalon at simpleng tshirt para komportable ako kumilos mamaya. Tinirintas ko na din ang mahaba kong buhok upang hindi sagabal mamaya. Naglagay na din ako ng pabango sa katawan ko. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto. May dala din akong shoulder bag kung saan ko nilagay ang cellphone, wallet, susi ng bahay at mahahalagang gamit na kailangan na kailangan ko talaga. Lumabas na ako ng bahay at halos magulat ako ng makita ko si Rufus na nakatayo sa labas ng bahay ko. Muntik akong atakihin sa puso dahil hindi ko inaasahan na nandito siya. “A-Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya habang nauutal pa. “Utos ng ama ko na sunduin ka. Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba’t alam mo yun?” Tanong niya habang matalim na nakatingin sa ‘kin. “Hindi naman kailangan. Wag mo ng sundin ang sinasabi ng ama mo. Sasabihin ko na lang na sinusundo mo ako kahit hindi naman. Ako ng bahala do’n.” Saad ko pero hindi siya sumagot. Napansin ko na parang walang siyang tulog. Yung mata kasi niya ay medyo inaantok. Namumutla din siya kaya nagtataka tuloy ako. “Ayos ka lang ba?” Hindi ko mapigilang tanungin ang binata. “Yes. I’m fine. Halika na!” Aya niya sa ‘kin kaya napakurap kurap ako. “Wag na! Kaya ko naman sarili ko. Umuwi ka na lang sa bahay mo at matulog ka. Halata kasi na wala kang tulog.” Pagtanggi ko ngunit matalim lang niya akong tinignan at hinawakan ang kamay ko. Sa gulat ko ay tinulak ko ang kamay niya pero lumusot ang kamay ko kaya natama ang palad ko sa tagiliran niya. “Fvck!” Mura niya sabay binitiwan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nagtaka ako kung bakit siya nasaktan. Sigurado naman kasi ako na hindi malakas yun. “Ayos ka lang ba?” Nag aalala kong tanong sa binata. Kahit masungit siya ay anak parin siya ng boyfriend ko. “May sugat ka ba?” Tanong ko at agad na inangat ang laylayan ng damit niya. “Ilayo mo nga yang kamay mo.” Aniya sa masungit na boses. Pero hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nakita kong may gauze ang tagiliran niya. Mukhang fresh din ito dahil may dugo pa. Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya naman pala siya namumutla. “Halika! Pasok ka sa bahay ko.” Aya ko sa kanya. “At bakit ko naman gagawin yun?” Tanong pa niya sa ‘kin. Kahit may sugat siya ay talagang lumalabas pa rin ang kasungitan niya. “Kasi may sugat ka. Dumudugo pa kaya wag ka na magtanong.” Saad ko saka hinawakan ang palapulsuhan niya. Tinulak ko lang ang pintuan ng bahay ko at agad na pumasok habang hila-hila ang binata. “Hindi mo ako kailangan kaawaan, hampaslupa.” Sabi pa niya kaya nilingon ko siya at mabilis na pinitik ang noo niya. Makulit kasi siya eh. Sinabi ng hindi ako hampaslupa. “Isa pang sabi mong hampaslupa ako, Rufus Gallagher.. pipisilin ko yang sugat mo.” Saad ko sa kanya sabay inirapan. Para kasing timang, may sugat na nga lahat-lahat mang aapi pa. Natahimik naman siya kaya tinulak ko siya sa mahabang upuan. Napaupo tuloy at napamura. Inirapan ko siya at agad na naglakad papunta sa kusina para tawagan si ate Diday. Sasabihin ko na lang na bukas na namin ayusin ang mga stocks na darating. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan ang anak ni William. Pumunta ako sa kusina at agad na kumuha ng kakailanganin ko. Mabuti na lang at may first aid kit ako dito sa bahay. Kumuha na din ako ng planggana at nilagyan ng tubig. Agad akong bumalik sa sala at nakita si Rufus na nakapikit ang mata. Para bang nagpapahinga siya. Ang gwapo pala niya kapag tulog. Pero kapag dilat naman ang mata niya ay palaging galit sa ‘kin. Ekis talaga ang lalaking ‘to sa ‘kin. Hindi siya nagmana kay William na mabait. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita. Nahihiya ako dahil nakapikit pa naman siya. “Kung gusto mo akong gamutin, gawin mo na para makauwi na ako.” Saad niya saka idinilat ang mata niya. Napakagat na naman ako sa ibaba kong labi dahil gising pala siya. Akala ko pa naman tulog siya. Abnormal din ako eh, may tao bang mabilis makatulog. Wala naman yata. Agad akong naglakad papunta sa kanya at inilapag ang planggana na dala ko sa maliit na table. Umupo ako sa tabi niya at humarap ako sa kanya. Titig na titig siya sa ‘kin kaya mas lalo kong kinagat ang ibaba kong labi sa sobrang kaba. Hindi talaga ako komportable sa titig niya. “P-Pwede bang wag mo akong titigan ng ganyan. H-Hindi ako komportable.” Saad ko sa mahinang boses. “Bakit kagat mo na naman ang ibabang labi mo? Wag mong sabihin na kinakabahan ka na naman.” Aniya sa seryosong boses. May gana pa talaga siyang sabihin yun eh kitang-kita naman niya na kinakabahan ako. “Sino ba naman hindi kakabahan kung ikaw ang kaharap ko. Lagi kang galit sa ‘kin kaya talagang matatakot ako sayo.” Pagsasabi ko ng totoo. Natawa siya ng mahina kaya hindi ko mapigilan mapatitig sa mukha niya at mapahinto sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko para tumawa siya eh nagsasabi lang naman ako ng totoo. “So, kinakabahan ka kapag nasa harapan mo ako? Why? Dahil ba sa sinusungitan kita?” Tanong niya kaya inirapan ko siya. Nagawa pa talaga niyang itanong sa ‘kin eh yun naman ang pinaparamdam niya palagi sa t’wing nakikita niya ako. “Ano pa nga ba? Umayos ka na at lilinisan ko na ang sugat mo.” Saad ko sa kanya at agad na inangat ang damit niya. Kinakabahan ako habang nililinisan ang sugat niya. Nanginginig tuloy ang kamay ko. Hindi pa naman kasi ako nakakakita ng katawan ng lalaki. Virgin pa ako kaya malamang ay manginginig ako lalo na kung hahawakan ko. Bakit ko ba kasi naisipan na gamutin siya eh pwede naman sana sa hospital na lang siya pumunta. “Dapat hindi ka na muna gumalaw, Rufus. May sugat ka pala pero pumunta ka pa dito talaga para sunduin ako.” Saad ko sa kanya habang hindi inaalis ang mata ko sa sugat niya. Nag aalala ako sa kanya dahil may dalawang gauze. Baka dalawa ang sugat niya. Pero bakit may ganito siyang sugat? Ayaw ko naman magtanong at baka awayin niya lang ako. Hindi naman ako pwedeng mangialam sa buhay niya. Baka mag away na naman kami pagnagakataon. Tahimik pa naman na siya kaya hindi na ako magsasalita pa. “Saan ka ba dapat pupunta kanina?” Tanong niya kaya napahinto ako sa ginagawa ko at napakagat sa ibabang labi. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kapag sinabi ko na sa store ay malamang masusundan ng tanong hanggang sa malaman niya na sa kanyang ama nagmula ang negosyo ko. Nagulat ako ng hawakan ni Rufus ang chin ko at agad na hinila papunta sa mukha niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa ‘kin kaya hindi ko mapigilan mataranta. “A-Anong..” sabi ko habang magkatitigan kaming dalawa. “Sinabi ko na sayo na wag mong kakagatin ang labi mo kapag nasa harapan mo ako.” Saad niya at agad na sinakop ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mata ko at halos nanigas ang buo kong katawan. Kinagat kagat pa ni Rufus ang ibaba kong labi kaya napaungol ako ng mahina. Agad niyang ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at sinipsip ang dila ko. Halos mataranta na ako kaya pilit akong kumakawala sa kanya. Ngunit hinawakan lang ni Rufus ang batok ko at mas lalong pinailaliman ang halik na iginawad niya sa ‘kin. Napakapit na lamang ako sa balikat niya at napapikit na lamang. Sinasabayan ang galaw ng labi ni Rufus na halos magpabaliw sa ‘kin. Halos hindi ko alam kung bakit ko sinasabayan ang halik niya. Hindi dapat dahil boyfriend ko ang daddy niya. Pero paano ko siya itutulak kong ang sarap niyang humalik. Nalalasing ako sa halik niya at nadadala na sa galaw ng kanyang labi kahit hindi naman ako marunong humalik. Nababaliw na yata ako para sagutin ang halik na iginawad niya sa 'kin. Author's Note: Palambing naman po, pa f0ll0w naman po sa f@c3bo0k p@g3 ko Author X X R I E G O Z Z X X po. Sa mga hindi pa po na-aadd sa library po nila ang story ni Rufus at Liberty ay pa add na po para mag notif bawat update. Salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD