Chapter 5
Liberty’s Pov
HINDI AKO makatulog kaya panay ang balikwas ko sa kama. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga makuha ang antok ko. Inis na inis na ako dahil gusto ko ng matulog pero sa t’wing pinipikit ko ang mata ko ay nakikita ko ang mukha ni Rufus at bumabalik sa alaala ko kung paano kami nag kiss dalawa.
Maloloka na yata ako at sakakaisip sa nangyaring kiss sa’min dalawa. Matapos niyang gawin yun ay pinaalis ko si Rufus. Hindi ako makatingin sa kanya kahapon kaya tumakbo ako papunta sa kwarto at nagkulong lang ako. Pinapakinggan ko lang si Rufus.
Mabuti nalang at umalis ang binata. Hindi ko na nga natapos ang ginagawa kong panggagamot sa sugat niya dahil sa sobrang taranta ko. Nahihiya ako lalo na’t tumugon ako sa halik na pinagsaluhan namin. Ang nakakainis pa ay tumugon ako at umungol.
Mapapasabunot nalang talaga ako sa buhok ko kapag naiisip ko yun. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay William kapag nalaman niya ‘to. Nakakahiya!
Hindi ko talaga magawang makatulog. Kagabi pa ako walang ayos na tulog at mukhang pati ngayon ay wala din.
Napabuga ako ng hangin at tumihaya ako ng higa. Nakatitig lang ako sa kisame at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko makakalimutan ang halik na iginawad niya sa ‘kin. Mababaliw na yata ako kakaisip. Kasalanan ‘to ni Rufus eh. Kung hindi sana niya ako hinalikan ay hindi sana ako mababaliw kakaisip ngayon.
Hindi na ako nakatiis pa kaya napabalikwas na ako ng bangon. Hindi talaga ako makatulog. Kailangan ko na muna yatang maglakad lakad sa labas upang magpahangin na din siguro.
Baka sakaling makatulog na ako kapag ginawa ko yun.
Agad akong lumabas ng kwarto at tinungo ko ang sala. Habang naglalakad ako papunta sa pinto ay naalala ko na wala nga pala akong suot na bra. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng bra lalo na’t nasa bahay lang naman ako at gabi na din naman.
Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ‘to binuksan. Lalabas na sana ako ngunit hindi ko natuloy dahil nagulat ako ng may makita akong tao na nakatayo sa tapat ng pinto. “Ay! bakla ka!” Nasabi ko na lamang dahil sa gulat na gulat ako.
“Hindi ako bakla.” Saad niya sa baritonong boses.
Yung puso ko ay ayaw naman kumalma dahil sa nakita ko. Mababaliw yata ako sa lalaking ‘to dahil parang kabute na sumusulpot. Kainis!
“S-Sorry.. nagulat kasi ako sayo. Yun ang sinasabi ko sa t’wing nagugulat ako kaya pasensya na.” Saad ko kay Rufus sa nahihiyang boses. Hindi ako makatingin sa kanya kaya nakayuko lamang ako. Napakagat na naman kasi ako sa ibaba kong labi dahil hindi na naman ako komportable na nandito siya sa harapan ko. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito. Masyadong malayo ‘to sa City kaya bakit siya mag aaksaya ng oras na pumunta.
“Bakit ka lumabas ng bahay mo?” Tanong niya sa ‘kin kaya nag angat ako ng mukha.
“Ahm.. hindi pa kasi ako inaantok. Balak ko sanang magpahangin at maglakad lakad na rin.” Sagot ko sa mahinang boses.
“Maglalakad lakad ka ng walang suot na bra?” Tanong niya kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala sa sariling tinakpan ko ang aking dibdib na hindi naman kalakihan pero dahil may u***g pa din naman at lalaki ang nasa harapan ko ay kailangan ko parin takpan. s**t! Nakakahiya ako. Mas nakita pa ng anak ng boyfriend ko ang walang takip kong dibdib kaysa sa boyfriend ko.
“Wag mo ng takpan, wala namang makikita.” Saad ni Rufus kaya mas lalo akong nahiya. Alam ko naman kasing hindi kalakihan ang hinaharap ko pero bakit kailangan pa niyang ipamukha yun sa ‘kin.
“I-Ikaw.. anong ginagawa mo dito sa harap ng bahay ko? A-Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” Tanong ko sa kanya kahit pa nga yung puso ko ay wala ng ginawa kundi ang kumabog. Kaba talaga ‘to eh dahil natatakot ako sa kanya.
Hindi nakasagot agad si Rufus at hindi siya makatingin sa ‘kin. Panay din siya tingin sa ibang direksyon kahit wala naman siyang makikitang iba dahil ito lang naman ang bahay ko dito. Ang layo pa ng sunod na bahay.
“Ahm.. kasi.. tumawag ang daddy ko. Nakiusap siya na puntahan ka.” Saad niya saka siya tumikhim at tumingin na sa ‘kin.
“Ahh.. ganun ba. Hindi mo na dapat ginawa yun. Pwede mo naman sabihin na ayos lang ako para hindi ka na maabala pa.” Sabi ko dahil pwede naman talaga niya sabihin yun. Ayaw ko kasi yung naiistorbo siya tapos aawayin din naman pala niya ako. Mabuti nga at hindi na niya ako sinusungitan.
“Sa susunod.. yan ang sasabihin ko sa aking ama. Masyado na kasi kayong istorbo sa buhay ko. By the way, kailan kayo maghihiwalay?” Tanong niya sa seryosong boses.
Hindi ako nakasagot agad at nakatitig lang talaga ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Heto na naman ang kinakatakutan ko eh, ang magalit na naman siya at pag iinitan na naman niya ako. Bakit kasi kailangan pa utusan ni William si Rufus na puntahan ako dito sa bahay. Alam naman niyang mainit ang ulo ng anak niya sa ‘kin.
“Sagot! Nalunok mo ba ang dila mo at hindi ka na makapagsalita dyan?” Tanong niya sa ‘kin kaya napangiwi ako.
“Hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo. Sinabi ko na sayo diba, walang ginagawang masama ang ama mo sa ‘kin kaya hindi ko siya hihiwalayan. Kung ito na naman ang pag uusapan natin at aawayin mo na naman ako ay mas mabuti pang umuwi ka nalang. Wala akong lakas para makipag away sayo kaya sana umalis ka nalang.” Saad ko saka ako umatras ng konti upang maisara ko ang pintuan.
Nang makapasok ako ng konti ay magkatitigan parin kami ni Rufus. Wala akong makitang emosyon kaya mas lalo akong natatakot sa kanya. Agad kong isinara ang pinto at doon lang yata ako nakahinga ng maayos. Hindi ako umalis sa harap ng nakasarang pinto at iniisip ko si Rufus.
Ngunit nagulat ako ng mag ring ang phone ko na nasa table. Agad akong naglakad papunta do’n upang tignan kung sino ang tumatawag. Nang makuha ko ang phone ay nakita ko ang pangalan ni William.
Agad kong sinagot ang tawag at itinapat ang phone ko sa kaliwa kong tenga. “Hello, William!” Bungad ko sa kanya.
“Hi, hon. Tulog ka na ba? Naistorbo ko ba ang tulog mo?” Tanong niya sa malambing na boses.
“Ahm.. hindi pa naman ako natutulog. Kumusta ka dyan sa Canada?” Tanong ko sa kanya.
“Ayos lang naman ako dito, hon. Ikaw, kumusta ka dyan? Alam mo bang miss na miss na kita.” Saad niya ngunit hindi ako sumagot agad at hindi man lang ako kinilig.
“May tanong sana ako sayo, William.” Pag iiba ko sa usapan.
“Hmm.. ano yun, hon?” Tanong niya sa ‘kin.
“Inutusan mo ba si Rufus na puntahan ako dito sa bahay ko?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi naman. Wala naman akong inuutos. Alam ko kasing magagalit siya kaya kahit gusto ko siyang utusan na bisitahin ka dyan sa bahay mo ay hindi ko na ginawa dahil alam ko na ang ugali niya.” Saad niya na ikinatigil ko. Hindi ko na nagawa pang sumagot kay William at agad kong pinatay ang tawag.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at naguguluhan kung bakit pumunta dito si Rufus at nagsinungaling pa na inutusan ng daddy niya. Anong rason niya. Kahit anong gawin ko ay wala akong makukuhang sagot.
Naglakas loob akong naglakad papunta sa pinto at agad kong pinihit ang siradura at binuksan ang pintuan. Nagulat na naman ako ng makita ko si Rufus na nakatayo parin kung saan ko siya nakita kanina. Akala ko pa naman ay umalis na siya.
Nakatitig lang siya sa ‘kin. Heto na naman ang pakiramdam na hindi ako komportable. Pero kailangan kong labanan ang kaba ko upang malaman ko ang dahilan kung bakit siya pumunta dito sa bahay ko.
“Bakit lumabas ka pa?” Tanong niya sa ‘kin.
“Bakit hindi ka pa umaalis sa harap ng bahay ko?” Balik tanong ko sa kanya habang magkatitigan kaming dalawa.
Bumuntong hininga lamang siya kaya agad na kumunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako. Hindi siya pupunta dito na walang dahilan kaya ihanda ko na lamang ang sarili ko. Baka war na naman ang gusto niya.
Naglakad siya papunta sa ‘kin kaya yung kabog ng puso ko ay sobrang bilis. Hindi niya inalis ang titig niya sa ‘kin. “H-Hindi ka naman yata pupunta dito na wala kang kailangan. Gusto mo na naman ba akong awayin kaya nag aksaya ka ng oras ha?” Lakas loob kong tanong sa binata.
“Hindi..” sagot niya. Ngunit ang sunod na pangyayari ay hindi ko nasundan dahil sa sobrang bilis ng kamay niya. Basta ang alam ko lang ay ang dalawang kamay ni Rufus ay nasa magkabilang pisngi ko kaya ang paghinga ko ay hindi ko na nagawa sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
“A-Anong..” saad ko na nautal na boses.
“Hindi gulo ang pinunta ko dito, hampaslupa. Kasalanan mo kung bakit hindi ako makatulog.” Saad niya habang magkatitigan kaming dalawa.
“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, R-Rufus..” sabi ko at pilit na hinihila ang kamay niya upang bitawan na niya ang pisngi ko.
“Ito ang kailangan ko..” saad niya at mabilis na sinakop ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mata ko ng maglapat ang labi na naman namin ulit. Hindi ako nakagalaw at para bang nanigas ang katawan ko. Naramdaman ko nalang ang dila ni Rufus na pilit niyang pinapasok sa loob ng bibig ko.
Napapikit na lamang ako ng simulan niyang kagatin ang ibaba kong labi dahilan upang maibuka ko ng bahadya ang labi ko. Agad niyang ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at para bang may hinahanap siya na hindi ko alam kung ano.
“Uhmm..” ungol ko sa loob ng bibig niya. Para akong nahimasmasan ng marinig ko ang boses ko na umungol kaya agad kong itinulak si Rufus kaya tumigil siya sa paghalik sa labi ko. Nakita ko pa ang laway sa gilid ng labi niya kaya agad akong napatakbo sa loob ng bahay at isinara ang pinto sa hiyang nararamdaman ko.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko ng bumalik sa isipan ko ang pag ungol ko. Kainis! Bakit
ba niya ako hinahalikan? Alam naman niyang girlfriend ako ng daddy niya. Hindi na nga ako makatulog dahil sa halik na ginawa niya nong nakaraan, dinagdagan na naman niya. Mababaliw na yata ako nito.
Author's Note: Ewan ko ba, kinikilig ako kay Rufus at Liberty hahaha.. pa-add po sa library ninyo ang story mga mhie ha para mag notif po bawat update ko. Baka may mga bago pong nagbabasa dito. Salamat po!