Chapter 6

1456 Words
Chapter 6 Rufus Pov HINDI ko maiwasang laklakin ang bote ng alak upang mawala na sa isipan ko ang malambot na labi ng hampaslupa na yun. Inis na inis ako sa aking sarili dahil sa pagpunta ko sa bahay niya kahit gabing gabi na. Kung ano-ano pa ang palusot ko dahil hindi ko naman inaasahan na lalabas siya ng bahay niya. Putangina talaga! Pati daddy ko ay sinali ko sa kalokohan. Nababaliw na nga yata talaga ako. Hindi ako ‘to. Inilapag ko ang bote sa mesa saka ko sinabunutan ang buhok ko. Kailangan ko na yatang layuan ang babaeng yun. Hindi ko na siya dapat makita upang mawala na ‘tong sapi ko. Natigilan ako ng biglang nag ring ang phone ko na nasa table lang. Agad kong pinulot yun at hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag at agad na itinapat sa tenga ko. “Rufus..” sambit niya sa kabilang linya. Agad kong inilayo ang phone upang tignan kung tama ba ang narinig kong boses. “How did you get my phone number?” I asked in a baritone voice. She just laughed softly on the other line. “I have many ways, Rufus darling.” Sagot niya. “Anong kailangan mo?” Tanong ko sa kanya. “Mukhang malungkot ka, namimiss mo na ba ako?” Tanong niya sa malanding boses. “Hindi. Bakit naman kita mamimiss?” Walang emosyon kong tanong sa babae. “Aray naman, ang sakit ha! By the way, nasa likod mo ako.” Saad niya kaya napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko agad si Lilith na nakangiti sa ‘kin. Pinatay ko ang tawag niya at walang emosyong nakatitig sa mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin ko at nakitang napaka sexy ng damit niya. Hapit na hapit sa makurbang katawan habang kitang kita naman ang cleavage niya. Ngunit kahit anong titig ko sa kanya ay wala man lang akong maramdamang libog sa katawan. Ni hindi nga yata uminit ang katawan ko. Pero sa lintik na hampaslupang yun at tinitigasan ako. Punyeta! Naglakad si Lilith papunta sa ‘kin at nginitian ako ng napakatamis. “Hi!” Bati niya sa ‘kin. “Hindi mo talaga ako namiss?” Tanong niya sa ‘kin sa nagtatampong boses. Hindi ako sumagot at ibinalik ang atensyon ko sa alak. Nagsalin ako ng alak sa baso na nasa table at agad kong ‘tong ininom. “Bakit ka umiinom? Ikaw lang mag isa. Dapat sinabi mo sa ‘kin para may kasama ka.” Saad ni Lilith na agad umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Tumingin pa siya sa bartender na nasa harapan namin. “One bloody mary please..” sabi ni Lilith na agad naman tumalima ang lalaking bartender. Si Lilith ay kasosyo ko sa isang negosyo. Anak siya ng kaibigan ni daddy. Ninong din niya ang daddy ko kaya ko siya kilala. Ang nakakainis lang sa babaeng ‘to ay makulit at panay suot ng sexy na damit. Ang daming lalaking tumitingin sa kanya kanina at alam kong tinitigasan sila kay Lilith. Pero sa ‘kin ay balewala lang kahit pa yata maghubad siya sa harapan ko. “Where’s ninong William?” Tanong niya sa ‘kin. “Canada,” tipid kong sagot saka ako tumingin sa kanya. “What? Bakit ganyan ka makatingin sa ‘kin? Narealize mo na ba na maganda ako at bagay ako sayo kaya ka ganyan makatitig?” She asked while raising one eyebrow. “Nah,” sagot ko. “Ganyan ka ba talaga manamit?” Tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa suot niya. “Bakit? Anong masama sa suot ko? Nasa bar ako kaya malamang ganito ang isuot ko, Alangan namang mag dress ako ng hanggang paa.” Sagot niya sa sarkastikong boses. Hindi ako nakasagot ng ilapag ng bartender ang inorder ni Lilith. “Kung ayaw mo akong magsuot ng sexy ay dapat maging tayo na muna. Sabi ko naman sayo na ako nalang eh. Tignan mo.. single ka parin hanggang ngayon at kahit isang beses ay wala ka pang karanasan. Ako nalang, Rufus darling. Mag eenjoy ka sa ‘kin gabi-gabi.” Saad niya sa malanding boses. Matagal ko ng alam na may gusto siya sa ‘kin ngunit hindi ko naman sineseryoso lalo na’t maloko talaga ang dalaga. Sabay kami lumaki kaya ang tingin ko lang sa kanya ay parang kapatid. Pero dahil sa pinili kong sumali sa grupo ng mga killer at umalis ng Pilipinas ay naputol ang communication namin dalawa. “Sabi mo sa ‘kin na kapag dumating ka sa edad na 35 at wala ka paring asawa o girlfriend ay ako ang mamahalin mo. Pwede bang 31 nalang ha! 31 ka na eh, wala ka paring babae kaya ako nalang. Sigurado akong matutuwa si ninong William kapag nalaman na tayo ang magkakatuluyan.” Saad niya kaya napatingin ako sa dalaga. “Hindi kita type, Lilith. Ang tingin ko lang sayo ay parang kapatid at hindi ko nakikita ang sarili ko na nasa ibabaw mo habang umuulos.” Saad ko kaya nalukot ang mukha niya. “Ang sama mo, darling. Hindi pa naman natin sinusubukan eh. Wag ka muna kayang magsalita ng tapos.” Saad niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako umimik pa at nilaklak na naman ang bote ng alak. Naalala ko na naman kung paano ko hinalikan ang labi ni Liberty kanina. Tinulak niya ako kaya hindi ko nagawa pang halikan muli ang labi niya. “Anyway, nakilala mo na ang girlfriend ni ninong William? Alam mo bang napaka ganda niya. Anong masasabi mo sa kanya?” Tanong ni Lilith kaya agad na uminit ang ulo ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang bote ng alak sa inis ko. “O.. parang galit na galit ka? Ayaw mo siya maging step mother?” Tanong ni Lilith sa ‘kin. “Hindi! Masyado siyang bata para sa ama ko at baka pera lang ang habol niya.” Sagot ko sa bored na boses. “Pero mukhang masaya naman si ninong. Siguro naman ay masaya na ang mommy mo sa kabilang buhay kaya hayaan mo na. Byudo ang daddy mo kaya wag ka ng humadlang. Mag focus ka nalang sa ‘kin. Malay mo baka mag double wedding pa tayo pag nagkataon.” Natatawa niyang sabi kaya mas lalo akong nainis. “Hindi pwede! Kailangan kong mapaghiwalay silang dalawa. Hindi ako papayag na maikasal ang ama ko sa babaeng yun.” Saad ko at malakas na inilapag ang bote ng alak sa table. “Teka.. wag mong sabihin sa ‘kin na may masama kang binabalak. Ang bad mo sa step mom mo ha!” naiiling niyang sabi saka sumimsim ng inorder niyang bloody mary. Hindi na ako sumagot dahil nawalan na ako ng gana. Sa t’wing naalala ko na girlfriend siya ng daddy ko ay umiinit lalo ang ulo ko. Ang nakakainis pa ay palagi ko siyang iniisip dahil sa malambot niyang labi. Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay Lilith. “Pwede mo ba akong halikan sa labi.” Wala sa sarili kong sabi sa dalaga. Her eyes widened. “Are you fvcking serious?” Hindi makapaniwang sabi ni Lilith na agad ko naman ikinatango. Patutunayan ko sa aking sarili na wala lang ang mga labi ni Liberty at maaalis ko sa aking isipan ang pagkabaliw ko sa kanya. Hindi nagdalawang isip si Lilith na inilapit ang mukha niya sa ‘kin at sinakop ng halik ang labi ko. Hindi ako gumalaw at parang wala lang sa ‘kin ang ginawa niya. Ni wala akong maramdaman na kakaiba. Hindi katulad kay Liberty na ako talaga ang gumagalaw dahil gusto kong sipsipin ang dila niya. Wala talaga akong maramdaman kaya agad kong tinulak si Lilith kaya napatigil siya sa paghalik sa labi ko. Nagulat pa siya sa ginawa ko ngunit wala akong pakialam. Agad kong pinunasan ang labi ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko. “What’s wrong, darling? Hindi mo ba nagustuhan?” tanong pa ni Lilith ngunit hindi ako sumagot. Kumuha lang ako ng pera sa wallet ko at inilapag ko sa bar counter saka ako umalis. Napatunayan ko na talaga sa aking sarili na baliw na nga talaga ako. Naglakad ako palabas ng bar at hindi na pinansin ang tawag sa ‘kin ni Lilith. Para akong lutang at para bang naliligaw ako ng landas at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tangina talaga! hindi na talaga ako 'to. Author's Note: Try ko pa mag update mamaya mga mhie. Palambing nalang po, pa follow po sa fac3bo0k pag3 ko Author X X R I E G O Z Z X X po para malaman kung may ud po ulit hehe..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD