Chapter 7

2088 Words
Chapter 7 Liberty’s Pov TATLONG araw na simula ng huli kong makita ang anak ni William. Simula no’n ay hindi na siya nagpakitang muli. Para sa ‘kin ay ayos na din yun upang hindi na ako mangamba pa kapag nasa harapan ko siya. Nahihirapan kasi ako makatulog dahil sa kanya. Ayaw ko na siyang makita pang muli kaya masaya ako na hindi na siya bumalik pa. Si William naman ay hindi makakauwi agad dahil madami pa daw siyang aasikasuhin sa Canada. Naiintindihan ko naman yun at wala namang problema yun sa ‘kin. Tumatawag din naman siya kapag may oras siya. Umaga ngayon at papunta ako sa shop. Tinanghali na ako ng gising dahil late ng nag chat si ate Diday sa ‘kin na hindi daw siya makakapasok ngayong araw. Bigla kasing sumakit ang tiyan niya at hindi daw niya kayang pumasok. Kaya ako ang magbabantay sa shop. Nagpa book na ako ng masasakyan kaya hindi na ako mahihirapan pa. Nagmamadali na din ako dahil alam kong papunta na ang binook kong sasakyan. Hindi na din ako nakapag almusal at balak ko na lang kumain pagdating sa store. May karinderya kasi doon kaya doon na lang ako kakain. Tapos na akong mag ayos kaya naisipan ko ng maglakad papunta sa pinto upang lumabas. Sa labas ko nalang hihintayin ang kotse na binook ko. Alam ko naman na papunta na yun. Pinihit ko ang siradura at agad kong binuksan ang pintuan. Lumabas ako at agad kong nakita si Rufus. Nakasandal ang likod niya sa gilid ng kotse at para bang may hinihintay siya. Nakasuot pa siya ng sunglass kaya nagmukha siyang model sa paningin ko. Yung puso ko na naman ay ang bilis na naman ng kabog na para bang may humahabol. Pakiramdam ko ay nasa loob ng dibdib ko si Tom at Jerry at naghahabulan. Simple lang ang suot niya pero bakit ang gwapo niya sa paningin ko. Nakakainis! Agad kong kinurot ang isa kong braso upang magising ako at bumalik ako sa tamang pag iisip. Isinara ko nalang ang pinto at siniguro kong nakalock. Nang masiguro ko ay agad akong naglakad at balak ko lang sanang lagpasan si Rufus. Hindi ko alam kung ano na naman ang dahilan niya kung bakit nandito na naman siya sa harap ng bahay ko. Ayaw ko ng alamin pa dahil baka kung ano na naman ang gagawin niya. “Pupunta ka sa store mo?” Tanong niya sa ‘kin kaya napahinto ako sa paghakbang. Nilingon ko ang binata at nakita ko siyang naglakad papunta sa ‘kin. Yung puso ko ay mas lalong nagwala. Hindi na naman ako makahinga kaya naiinis na naman ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko aalisin sa systema ko ang ganitong nararamdaman. “Ahm.. oo.” Sagot ko at nagtaka ako kung bakit niya alam na may store ako. Pinipilit ko tuloy ang isipan ko kung may nasabi ba ako sa kanya. “Ihatid na kita.” Saad niya kaya natigilan ako at sumeryoso ang mukha ko. “A-Ayaw ko..” pagtanggi ko kaya kitang kita ko sa mukha niya na halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “At bakit?” Masungit niyang tanong. “Ahm.. kasi.. Nagpa book na ako ng masasakyan,” sagot ko at napatingin ako sa unahan ng may marinig akong sasakyan na papalapit. Ilang sandali pa ay nakita ko ang sasakyan na kulay itim. Alam kong yun na ang kotse na binook ko. “Ayan yung binook kong sasakyan kaya ayaw kong sumakay sa kotse mo.” Dagdag kong sagot kay Rufus. Mas lalo lang sumeryoso ang mukha niya. Ganitong ganito ang mukha niya nong una niya akong makita sa bahay ng daddy niya. Biglang naglakad si Rufus papunta sa kotse na huminto sa gilid ng kalsada. Kumunot ang noo ko kung ano ba ang gagawin niya kaya napasunod ako at agad nanlaki ang mata ko ng katukin ni Rufus ang bintana ng driver seat. Bumaba naman ang bintana nito at agad na may inabot si Rufus na pera sa driver. “Umalis ka na, hindi siya sasakay sa kotse mo.” Saad ni Rufus sa driver kaya mas lalong nanlaki ang mata ko. “Hoy! Anong ginagawa mo?” Tanong ko kay Rufus. Hindi siya sumagot at naglakad siyang muli papunta sa ‘kin. Napa atras tuloy ako dahil takot talaga ako sa presensya niya. Tumuon ang atensyon ko sa kotse na binook ko ng biglang umalis. “T-Teka… sasakya ak–” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hawakan ni Rufus ang kamay ko. “Sa ‘kin ka na sumakay.” Saad niya kaya nanlaki ang mata ko at bumaba ang tingin ko sa pagitan ng binti niya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Rufus kaya ibinalik ko ang tingin ko sa mukha niya. “Hindi dyan, hampaslupa. Sa kotse ka sumakay at hindi sa alaga ko.” Saad niya kaya agad na uminit ang magkabilang pisngi ko. “A-Anong alaga? H-hindi naman yan ang tinitignan ko eh..” nauutal kong paliwanag. Tumawa lang siya ng mahina at agad niya akong hinila papunta sa kotse niyang nakaparada. Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat at agad niya akong inalalayan papasok ng kotse. Inilagay pa talaga niya ang kamay niya sa ulo ko upang hindi ako mauntog. Nang makapasok na ako ay isinara agad niya ang pinto. Parang hindi ako makahinga na nasa kotse niya ako. Dalawang beses na nangyari ‘to pero ganito parin ang pakiramdam ko. Kabado pa din at pinagpapawisan. Ganyan ang epekto ni Rufus sa ‘kin. Umikot siya papunta ng driver seat at agad na binuksan ang pintuan at pumasok. Nahihiya akong magsalita kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Binuhay niya ang makina ng kotse at agad niyang pinausad ito. Nakalimutan kong ikabit ang seatbelt kaya kinapa ko yun at ikinabit na lamang. Hindi ko nililingon si Rufus kaya para tuloy akong may stiff neck. “Ikaw ba ang magbabantay sa store mo?” Biglang tanong niya sa ‘kin kaya nilingon ko siya saglit. “Oo. Wala kasi yung tindera ko.” Sagot ko na lamang kahit pa nga gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman. Pwede din kasi si William ang magsabi. Kaya malamang alam niya. Ang mahalaga ay hindi niya ako inaaway. Hindi pa naman ako makakatalon dito sa kotse niya kung sakali. “Ano nga pa lang ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Mabuti na lang at hindi ako nautal habang sinasabi ko yun. “Sinusundo ka.” Sagot naman niya agad kaya napakagat ako sa ibaba kong labi habang nakatingin sa harap. “Pwede mo naman akong hindi puntahan. Hindi naman kasi kailangan.” Saad ko na lamang upang hindi na niya ulitin pa ang pagpunta niya dito. “Wala naman akong ginagawa. Gusto ko lang makita ang hampaslupang katulad mo.” Sabi niya kaya napanguso ako. Ayan na naman siya sa hampaslupa. Kainis! Hindi na ako nagsalita pa pinagdarasal ko na lamang na sana ay makarating na kami agad sa shop ko. Ayaw ko na siyang makasama dahil para akong malalagutan ng hangin. Si Rufus yata ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Ilang sandali pa ay nakarating na kami at kahit hindi ko sabihin ay alam na alam talaga niya kung saan ang store ko. Sigurado talaga ako na hindi ko pa sinasabi sa kanya yun kaya nagtataka ako. Iginilid niya ang kotse kaya dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko. Tumingin ako sa kanya habang kinukuha ang pamasahe ko na hinanda sana para sa driver na binook ko. Pero kay Rufus ko na lang ibibigay dahil ayaw kong magkautang na loob sa kanya. “Akin na kamay mo..” sabi ko sa kanya kahit nahihiya ako. Nagtataka naman siya pero ginawa parin naman niya ang sinabi ko. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko kaya ipinatong ko sa palad niya ang pera na 200. “Para saan ‘to?” Tanong niya sa ‘kin habang nakakunot ang noo. “Ahm.. pamasahe ko. Ayaw ko kasing magkautang na loob sayo. Kaya gusto kong magpamasahe.” Sagot ko na lamang sa mahinang boses. “Hindi ko kailangan ng bayad mo, hampaslupa.” Masungit niyang sabi at ibinalik ang pera sa palad ko. “Hindi ko kailangan ng pera, hampaslupa. Pero okay na siguro ‘to..” sabi niya at agad na hinawakan ang batok ko. Nilukumos niya ng halik ang labi ko kaya nanlaki na naman ang mata ko. Pangatlong beses na naman niya ‘tong ginawa sa ‘kin. Siya ang first, second at third kiss ko. Napapikit na lamang ako habang hinahayaan siyang hinahalikan ang labi ko. Ngunit naaamoy ko ang mabango niyang hininga ngunit may halong amoy ng sigarilyo kaya tinulak ko siya. Ayaw ko talaga kasing nakakaamoy ng sigarilyo. Nagulat siya sa ginawa ko habang ako naman ay hinahabol ang paghinga ko na tuluyang nagkabuhol buhol. Nakita ko ang laway sa gilid ng labi ni Rufus na agad niyang dinilaan gamit ang dulo ng dila niya. “Ang sarap ng laway mo, hampaslupa.” Saad niya kaya uminit ang magkabilang pisngi ko. “W-Wag ka ngang ganyan! Girlfriend ako ng daddy mo pero puro ka halik sa labi ko. Amoy sigarilyo ka pa.” Galit kong sabi upang tigilan na niya ang labi ko sa kakahalik. Palagi nalang niya akong ninanakawan ng halik. “Amoy sigarilyo ang bibig ko? Oo nga pala, nagsigarilyo nga pala ako.” Sabi niya at yun lang yata ang pinansin niya sa sinabi ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay niya. “Ayaw mo pala talaga sa taong nagsisigarilyo?” tanong niya sa ‘kin. “Ayaw ko! Para kasi akong hindi makahinga kapag nakakasinghot ako ng usok ng sigarilyo.” Pagsasabi ko ng totoo. Napatango tango naman siya. “Kung ganun.. kapag hindi na ba ako nagsigarilyo ay pwede ko ng halikan ang labi mo at hindi mo na ako itutulak?” Tanong niya sa inosenteng boses. “Ha?” Gulat kong sabi sa kanya. “Hirap akong tigilan ang pagsisigarilyo. Pero kung labi mo naman ang pamalit ay ayos lang sa ‘kin.” Aniya at bumaba ang tingin niya sa ibaba kong labi. “T-Tumigil ka na! Girlfriend ako ng daddy mo kaya please lang.. tigilan mo na ang ako. Kung pinaglalaruan mo lang ako ay itigil mo na dahil na ako natutuwa.” Saad ko sa kanya at pinakita ko ang seryoso kong mukha para alam niyang hindi ako nakikipag biruan sa kanya. “Pakialam ko naman kung girlfriend ka ng ama ko. Hindi ba nag offer na ako sayo ng pera at bahay upang hiwalayan mo ang ama ko. Bakit ayaw mo parin tanggapin yun?” Tanong niya kaya mabilis ko siyang sinampal. Siguro ay ginagawa niya ito upang paglaruan ako at masabi niya sa daddy niya na hindi ako karapat dapat. Kaya siguro ay panay ang halik niya upang mapatunayan niya sa ama niya na malandi ako kahit hindi naman talaga. “Pinaglalaruan mo talaga ako, Rufus. Ginugulo mo ang isip ko upang kumagat ako sa pinapakita mo sa ‘kin at para may masabi ka sa ama mo. Ganyan ka ba talaga kagalit sa ‘kin?” Tanong ko sa mahinang boses. Hindi siya nagsalita at titig na titig lang siya sa ‘kin. Siguro ay hindi siya makapaniwala na nahuli ko siya. Pwede kasi niyang gawin yun sa ‘kin upang may maisumbong siya sa daddy niya. Ang tanga ko para hindi siya itulak sa bawat na hinahalikan niya ako. “Paano kung sabihin ko sayo na hindi ka na mawala sa isipan ko. Anong gagawin mo?” Tanong niya sa ‘kin. “Hindi ako maniniwala sayo..” saad ko at napalunok ako ng laway ng ilang beses. “Siguro dapat ay hindi na kita makita pa. Tigilan mo na ako. Ayaw ko ng gulo, Rufus. Mas gugustuhin ko pang awayin mo ako kaysa halikan mo ako.” Saad ko sa kanya na halos ibulong ko na dahil naiiyak ako sa ginagawa niya sa ‘kin. Hindi na kasi ako makatulog ng maayos at pakiramdam ko ay niloloko ko na si William dahil ang isip ko ay si Rufus ang laman. Hindi na siya sumagot pa kaya binuksan ko na ang pintuan ng passenger seat at agad akong bumaba. Hindi ko na siya nilingon pa at isinara ko ang pinto ng makababa ako. Ayaw ko ng siyang makita pa kaya sana ay wag na niya akong pahirapan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD