Chapter 8

2143 Words
Chapter 8 Liberty’s Pov PAPUNTA ako sa shop na pagmamay ari ako. Ako na naman kasi ang bantay dahil hindi pa rin makakapasok si ate Diday. Dalawang araw na din ako ang nagbabantay pero ayos lang naman dahil mas gusto ko pang may pinagkakaabalahan kaysa sa magmukmok ako sa bahay. Ayaw ko ng pumasok sa isipan ko ang lalaking gumugulo palagi sa isipan ko nong mga nakaraang araw. Simula ng sabihin ko sa kanya yun kahapon na tigilan na niya ako ay umalis siya at hindi na bumalik pa. Masaya ako dahil sinunod niya ang sinabi ko. Pero nong umalis siya kahapon ay para akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko kahapon. May mga customer naman ako kahapon kaya medyo nawawala din sa isipan ko si Rufus. Lagi kong itinatatak sa isipan ko na may boyfriend ako at yun ay si William Gallagher. Sa kanya ako dapat mag focus at hindi sa ibang lalaki. Nagpahinto ako kanina sa sinasakyan ko sa may bakeshop kung saan malapit lang din sa shop ko. Bumili lang ako ng mga cookies at cupcake. Gusto kong kumain ng matamis kaya dumaan na muna ako. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada at malapit ko ng matanaw ang shop ko. Nang makarating ako ay nagtaka ako kung bakit may sasakyan na itim sa harap. Kumunot ang noo ko dahil ipinagbabawal ko na may mag park dahil hindi makikita ang shop ko. Paano ako makakabenta kung haharangan nila. Dali-dali akong humakbang at nagulat ako ng makita ko si Rufus. Napatigil ako sa paglalakad lalo na ng magkasalubong ang tingin namin dalawa. Ang puso ko ay bumilis na naman ang t***k na parang may nagkakarera. Tumikhim ako at naglakad ako papunta sa kanya. “Bakit nandito ka na naman?” Tanong ko sa kanya ng makarating ako sa harapan niya. “Mag a-apply ako bilang tindero mo pansamatala.” Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. “A-Ano? Nasisiraan ka na ba? Hindi pwede! Hindi ko naman kailangan dahil kaya ko naman magbantay ng shop ko kahit ako lang mag isa. Hindi naman palaging may pumapasok sa shop.” Saad ko kay Rufus. Akala ko pa naman ay hindi na siya babalik pa at hindi na magpapakita sa ‘kin. Ngayon ko lang nalaman na matigas din pala ang ulo ni Rufus. Magsasalita pa sana ako para paalisin siya ngunit biglang may sumulpot na dalawang babae kaya napatingin ako sa kanya. “Excuse me..” sabi ng isang babae sa ‘kin. “Ano po yun?” Tanong ko sa kanya at baka magtatanong ng direksyon. “Anong oras po kaya magbubukas ang shop na ‘to?” Tanong ng babae kaya napakurap kurap ako. Hindi kasi ako sanay na may maagang pupunta sa shop kahit nga kay ate Diday ay ang una niyang benta ay 1PM na. “Ahm.. ngayon po, ma’am. Bubuksan ko lang po.” Nakangiti kong sabi at hindi ko na pinansin pa si Rufus. Bahala siya sa buhay niya. Bubuksan ko na sana ang shop ko ng may nagsulputan pa na mga customer at para bang naghihintay sila na mag open ang shop ko. Nakakagulat lang dahil ngayon lang ‘to nangyari. Biglang lumapit sa ‘kin si Rufus at inagaw ang hawak kong susi. “Mukhang kailangan mo ng tulong ko ngayong araw. Sa tingin ko hindi mo kayang bantayan ang shop mo na ikaw lang mag isa.” Saad niya at siya na ang nagbukas ng shop ko. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil hindi ko na naman siya napigilan. Nang mabuksan niya ang shop ko ay ngumiti ako sa mga customer na naghihintay. Pinapasok ko sila upang makapili sila. Mabuti nalang pala at naglinis ako kahapon bago ako nag close. Dali-dali naman akong pumunta sa counter habang si Rufus naman ay inaayos ang ibang damit. Mukhang hindi ko siya mapapaalis ngayong araw lalo na’t siya na ang nagpumilit na tutulong siya sa ‘kin. Dumagsa pa ang mga customer kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Mabuti nalang pala at nandito si Rufus nag assist sa ‘kin. Hindi ko na nga nagawang umupo dahil mas lalo pang dumagsa ang mga namili. Nagtataka na talaga ako kung bakit ganito ang nangyari. Hindi naman ako nagrereklamo na maraming customer pero napaka impossible lang talaga na sa ganito ka aga ay marami na akong benta. Umabot yata ng 10AM bago kumunti ang mga tao na namimili. Panay pa ang sulyap ko kay Rufus kung okay lang ba siya sa ginagawa niya. Pero wala akong makitang pagod sa mukha niya lalo na’t siya ang taga assist at taga balot kapag nagbabayad na ang customer. Ilang sandali lang ay wala na kaming customer. Tahimik na ang shop kaya agad kong inayos ang mga hanger na wala ng laman dahil nabili na. “Tulungan na kita..” saad ni Rufus na tinulungan akong kumuha ng hanger. Tinitigan ko ng matagal ang binata saka ako huminga ng malalim. “Ano bang nakain mo at pumunta ka na naman dito? Hindi ba’t nag usap na tayo kahapon. Akala ko ba ay malinaw na sayo na ayaw na kitang makita. Bakit ba ayaw mo akong tigilan?” Tanong ko sa kanya sa seryosong boses. “Desisyon mo yun, sayo yun. Pero ito ang desisyon ko. Hindi naman ako nag agree sa gusto mo. Kaya wala kang magagawa kung pumunta man ako dito.” Sabi niya sa bored na boses. Pinandilatan ko naman siya ng mata ko. “Ayaw na nga kitang makita. Makulit ka din pala.” Saad ko sa kanya kaya natawa siya. “Makulit talaga ako, hampaslupa.” Sagot naman niya kaya inirapan ko siya. “Isa pa yan.. palagi mo nalang akong tinatawag na hampaslupa. Alam mo bang nakakainis ka na. Hindi ako hampaslupa kaya please lang.. wag na wag mo na akong tatawagin ng ganyan.” Saad ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis ko sa lalaking ‘to. Pumameywang ako sa harapan niya para alam niyang galit ako. “Gusto mong maging tindero ngayon diba? Pwes.. ako ang amo mo ngayon kaya subukan mo lang akong tawaging hampaslupa.” Dagdag kong sabi kaya sumeryoso ang mukha ni Rufus. Kinakabahan ako pero ayaw kong magpatalo sa kabog ng dibdib ko. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa presensya niya. “Okay. Hindi na kita tatawaging hampaslupa,” sabi niya kaya napatango tango ako. Mabuti naman at nadadaan din naman pala sa pagsusungit si Rufus. “Mahal ko nalang ang itatawag ko sayo simula ngayon.” Dagdag niyang sabi kaya natigilan ako. “Hoy! Anong mahal ko?” Tanong ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Yes, mahal ko?” Tanong nman niya at hindi niya pinansin ang sinabi ko. Inirapan ko lang siya at magsasalita pa sana ako ng may pumasok na customer. Napalingon ako at nakitang lalaki yun. Agad akong naglakad papunta sa lalaki para batiin siya. “Good morning po, sir!” Bati ko sa kanya. Ngumiti naman sa ‘kin ang lalaki. “Hi, miss! Meron ba kayong mga dress dito? Pang reregalo ko lang sana sa girlfriend ko.” Sabi ng lalaki kaya matamis ko siyang nginitian. “Meron po, sir. Dito po tayo..” sabi ko sa kanya at iginiya ko siya kung saan nakapwesto ang mga dress namin. Sumunod naman siya sa ‘kin at tinuro ko ang mga dress na naka display. Tumungo naman ang lalaki at agad na nagtingin tingin. Hinayaan ko lang siya na mamili kaya inilibot ko na muna ang tingin ko at nakita ko si Rufus na masamang nakatingin sa ‘kin. Kinabahan naman ako dahil iba talaga ang titig niya. Para bang papatay siya ng tao. Ano na naman kayang ginawa ko sa kanya para titigan niya ako ng masama. Naglakad na lang ako papunta sa counter at hindi na pinansin ang masamang tingin ni Rufus sa ‘kin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya kaya malinis ang konsensya ko. Nang makarating ako sa counter ay tamang tama din na lumapit ang lalaking costumer. “Ano po kaya maganda sa dalawa?” Tanong niya sa ‘kin habang may dalang dalawang dress. Pink yung isa na floral ang design. Yung isa naman ay plain lang na kulay na red. “Ahm.. ano po bang favorite ng girlfriend mo, sir? Yung kulay po.” Tanong ko sa kanya upang matulungan ko siya. “Itong dalawa ang gusto niyang kulay. Naguguluhan lang kasi ako. Pero.. baka itong dalawa nalang no? Pareho kasing maganda eh. Kasing ganda mo ang dress.” Saad ng lalaki kaya natawa ako ng mahina. “Si sir talaga.. binola pa ako.” Sabi ko na lamang kaya napangiti na lang din siya. Pero nawala ang ngiti ko dahil ramdam ko talaga ang titig ni Rufus sa ‘kin. Tagos hanggang kaluluwa ko. Agad kong ibinalot ang pinili ni sir ng iabot niya sa ‘kin ang payment. Inabot ko sa kanya ang binili niya at nagpasalamat ako. Umalis na siya sa harap ko at tuluyang lumabas ng shop. Nilista ko na muna ang items na binili ng customer para kapag nag inventory kami ni ate Diday ay hindi kami malito. “Si sir talaga.. binola pa ako..” agad akong napa angat ng mukha ng marinig ko ang boses ni Rufus na para bang ginagay ang boses ko. Nakita ko siyang naglakad papunta sa counter pero ako ay dali-dali akong naglakad papunta sa dress dahil aayusin ko na muna do’n lalo na’t may namili. Naglakad ako papunta sa dress at tama nga ang hinala ko. Inayos ko yun at laking gulat ko ng may humawak sa bewang ko. Napatigil ako at napalingon sa taong humawak sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko dahil sobrang lapit ng mukha ni Rufus sa ‘kin. “W-Wag mo ngang ilapit ang mukha mo sa ‘kin..” nauutal ko pang sabi. “Why? Hindi naman ako amoy sigarilyo.” Inis niyang sabi sa ‘kin. Napalunok ako ng ilang beses at pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. “Bakit ang tamis ng ngiti mo sa lalaki kanina? Bakit kapag sa ‘kin ay para kang palaging takot.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Titig na titig kami sa isa’t isa habang ang puso ko ay ang lakas ng t***k. “Sagot! Sumagot ka sa tanong ko!” Pagalit niyang sabi kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. “K-Kasi.. customer yun. Alangan namang mag sungit ako.” Sagot ko sa nauutal na boses. “Pero bakit sa ‘kin hindi ka ngumingiti ng ganun?” Tanong na naman niya. “Kasi ikaw din naman. Hindi mo din naman ako nginingitian. Alam mo naman yatang natatakot ako sayo diba? Kaya paano ako ngingiti sayo kung sa presensya mo pa lang ay natatakot na ako.” Pagsasabi ko ng totoo. Mabuti nalang at hindi ako nautal ng sabihin ko yun. Napalunok naman siya ng ilang beses at bumaba ang tingin niya sa labi ko. “Wag mo ng ituloy ang binabalak mo, Rufus. Wag mo akong halika—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sakupin na naman niya ng halik ang labi ko. Nahigit ko ang paghinga ko sa ginawa niya. Pilit ko siyang tinutulak upang tigilan niya ang labi ko. Tinigilan naman niya ang labi ko ngunit nakahawak parin siya sa bewang ko. “May tanong ako sayo..” saad niya habang ako ay hinahabol ko ang paghinga ko. “Ano?” Tanong ko sa kanya. “Nahalikan ka na ba ng ama ko?” Deritso niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ko at hindi ako makapaniwala sa tanong niya. “Hindi ba’t masyadon—” “Sagutin mo nalang ako! Nahalikan ka na ba ng ama ko?” pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya napalunok na naman ako ng ilang beses. “H-Hindi. Hanggang sa pisngi lang ako at pati na din siya.” Pagsasabi ko ng totoo. “Kung ganun.. ako yung first kiss mo?” Seryoso na naman niyang tanong kaya nag iwas ako ng tingin. “Kung ako ang first kiss mo asahan mong babakod ako.” Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. “Ano? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. “Ako ang una at gusto ko ako din ang huli. Kaya hindi ako papayag na may makatikim sa labi mo. Akin ka lang, mahal ko.” Sabi niya saka niya pinatakan ng halik ang labi ko. Hindi ako nakapagsalita at natulos ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang narinig ko mula sa kanya. Nasisiraan na yata siya ng bait at pati ako ay mababaliw na ako sa kanya. Author's Note: May nagbabasa po ba ng story ni Rufus at Liberty? Sana kiligin po kayo sa story nila hehe..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD