Chapter 9 Liberty’s Pov ILANG araw ng ginugulo ni Rufus ang isipan ko at ang nakakainis pa dahil panay ang punta niya sa shop. Nagtataka na talaga ako kung bakit palaging maraming namimili kapag nandyan siya. Kaya no choice ako kundi ang hayaan parin siya na tulungan ako. Ang nakakainis lang dahil kapag may lalaki na customer ay masama siyang nakatingin sa ‘kin. Pero hindi ko naman siya pinapansin at bahala siya sa buhay niya kung awayin niya ako. Ngayong araw ay nasa bahay lang ako. Mabuti nalang at magaling na si ate Diday. Siya na ang nagbabantay ngayon at hindi na muna ako pupunta sa shop dahil masama ang pakiramdam ko. Naulanan kasi ako kagabi. Ang kulit kasi ng Rufus na yun. Ayaw akong tantanan kaya napatakbo ako palayo sa kanya para lang makasakay ng taxi dahil pinipilit na na

