Chapter 10 Liberty’s Pov HINDI ko mapigilan tumugon sa halik na iginawad ni Rufus. Napaungol na ako sa loob ng bibig niya at napahawak ako sa matipuno niyang dibdib. Pinakawalan niya ang labi ko ngunit masyado pa rin malapit ang mukha namin sa isa’t isa. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. “Nasa sala ang daddy mo, Rufus. Akala ko ba titigilan mo na ak—” hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng patakan niya ng halik ang labi ko. “Uminit ang ulo ko habang nakikipag beso ka sa ama ko.” Sabi niya sa mahinang boses. Baliw na nga yata ang lalaking ‘to. “Pwede ba.. wag mo na akong landiin. Baka magtaka ang girlfriend mo kung ba—” “Selos ka?” Tanong niya na pinutol na naman ang sinasabi ko. “Hindi. Bakit naman ako mag seselos?” Sabi ko pa kahit ang totoo ay naiinis ako. “Tala

