Chapter 11 Liberty’s Pov MASAMA kong tinignan ang lalaking may pulang buhok na nakaupo habang nakatitig sa ‘kin. Hindi talaga siya nagpatinag at ayaw niyang lumabas ng bahay ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanya, akala ko pa naman ay hindi talaga siya pupunta dito sa bahay ko. Nakalock na nga ang pinto, napasok parin ako ng kumag. Nakakainis ang lalaking ‘to! Kung dati ay natatakot ako sa kanya, ngayon ay napipikon ako na hindi ko siya mapalabas sa bahay ko. Ang galing pa talaga niya dahil nagluto ng hapunan. Pinakialaman talaga ang laman ng ref at nagluto ng pagkain. Mukhang masarap naman ang niluto niya dahil sa amoy pa lang. Natatakam akong kumain ngunit ayaw akong ipakita sa kanya na gusto kong kumain dahil baka sabihin niya na ayos lang sa ‘kin na nandito siya sa bahay ko. “Lumab

