Chapter 12 Liberty’s Pov WALA na akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto ko matapos kong mag half bath. Ayaw kong mag usap ulit kami ni Rufus dahil hindi naman siya nakikinig sa ‘kin. Matigas ang ulo niya. Bago ako pumasok sa kwarto ay usapan namin na sa sala lang siya matutulog. Hindi pwedeng sa kwarto siya matulog at baka may gawin siya sa ‘kin. Ewan ko talaga sa taong ‘to kung bakit pinipilit niya ang gusto niya na matulog dito sa bahay ko. Siniguro ko din na nakalock ang pinto ng kwarto ko upang hindi siya makapasok. Para na talaga akong tanga na kabado palagi dahil lang sa nasa iisang bahay kami ni Rufus. Sana nga ay umalis na siya bukas para hindi na ako matakot pa. Baka makahinga lang ako ng maluwag kapag umalis na siya. Natapos na akong mag skin care kaya agad akong umupo

