Chapter 137 Liberty’s Pov NAGING MAAYOS na ang kalagayan ni Zahir simula ng mailipat siya sa bahay namin ni Rufus. Nasa first floor lang ang room niya at ang nurse niya ay si River. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni River para mabilis na gumaling ang binata. Basta ang alam ko ay hindi na siya nag whe-wheel chair. Ang galing pala talagang nurse ni River. Hinahayaan lang namin silang dalawa ni Zahir at mabuti na lang at hindi din nangingialam si Rufus. Ngayong araw ay niyaya ako ni Rufus na pumunta ng grocery store. Ubos na kasi ang stock namin sa bahay kaya kailangan na namin mag grocery. Mabuti na lang at naisipan na din ni Rufus dahil nababagot na din ako dito sa bahay. Ang dami kong gustong kainin ngayong araw at lahat ng yun ay ire-request ko sa aking asawa. Nagugutom na talag

