Chapter 138 Liberty’s Pov NAG ORDER ang mahal ko ng pagkain at tuwang tuwa ako dahil lahat ng tinuro ko ay binili niya. Nandito pa rin kami sa grocery store at panay lang ang kain ko. Ang asawa ko naman ay bottled water lang ang binili niya. Katabi ko siya at nakatitig lang siya sa ‘kin habang kumakain ako. Hindi na ako naiilang kahit magdamagan niya akong titigan. Sanay na ako lalo na’t asawa ko naman na siya. Naalala ko tuloy dati yung tipong tititigan lang niya ako ay nanlalamig na ako at nanlalambot ang mga tuhod. Gusto kong matawa kapag bumabalik ako sa alaalang ‘yon. “Bakit ka nakangiti, mahal ko?” Biglang tanong ng asawa ko sabay haplos sa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. “Eh kasi.. naalala ko lang yung mga panahong titig mo pa lang ay nanginginig na ako.” Pagsasa

