Chapter 92 Liberty’s Pov ISANG linggo ang nakalipas simula ng makilala ko ang may ari ng kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Nagugulat nalang ako na palagi ko ng nakikita si sir na pumupunta palagi sa office niya. Ang alam ko kasi ay hindi siya pumupunta sa office at minsanan lang talaga pumunta. Pero simula ng mangyari ang dinner namin ay nakikita ko na si sir Atlas. Pati mga kasamahan ko ay nagtataka na din at ang tinuturo nilang dahilan ay ako daw. Hindi ko alam kung bakit nila ako tinuturo eh wala naman akong kinalaman do’n. Sigurado naman ako na hindi ko kilala si sir Atlas. Baka nga kamukha ko lang ang nakita niya. Malay ko ba sa kanya. Panay tuloy ang pangungulit ni Giselle sa ‘kin eh wala naman akong masagot dahil hindi ko naman talaga kilala. Pauwi na ako ngayon dahil tap

