Chapter 91 Liberty’s Pov HINDI NA ako umaasa pa na magkikita kami ni Rufus muli. Ilang linggo na din ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik sa ‘kin. Hindi na ako umasa pa at tuluyan ko nalang tinanggap na kahit kailan ay hindi na siya babalik. Ang tanga ko sa part na minahal ko siya ng husto ngunit ganito lang pala ang mangyayari. Sana pala hindi ko nalang siya minahal, eh ‘di sana hindi ako nagmumukhang tanga kakahintay sa kanya. Nakapasok din ako ng work doon sa building na hindi naman masyadong malaki pero malaki ang pasahod. Natanggap ako bilang office staff at two weeks na din akong natanggap. Masasabi kong maswerte ako at natanggap nila ako pero pagdating naman sa pag ibig ay malas ako. Kapag nasa duty ako ay pinapakita ko sa mga katrabaho ko na masayahin ako. Pero kapag

