NATALIA’S POV At dahil Sabi ni Apollo ay ngumiti lang ako, kaya iyon ang ginawa ko. Nakita kong napapailing na ngumiti na lang si Tita Kendra at humakbang naman kami papalapit kina Lola Hera at Artemis. Habang si Apollo naman ay lumapit sa tabi ko. “Wow, are you two…” Tinuro pa kami ni Artemis habang malapad ang ngiti niya. “Yes,” mabilis na sagot ni Apollo kaya napatingin ako sa kaniya. Anong yes? Pumayag ako sa gusto niya na tumira sa bahay niya pero maliban doon wala nang ibang ibig sabihin iyon. Bakit pinapakita niya ngayon sa pamilya niya na para bang nagkabalikan ulit kami. Sigurado akong ang tinutukoy ni Artemis ay kung kami na ulit ng kuya niya. “Mabuti naman kung ganoon. Para sa akin si Lia lang talaga. Bakit hindi ulit kayo magpakasal and this time sa Pilipinas para—” “Lola

