NATALIA’s POV Sabay kaming nag-agahan ni Apollo. Siguro kailangan ko nang masanay na kasabay ko si Apollo palaging kumain. Nakakapanibago lang dahil dati, noong kasal pa kami ay bihira kaming magkasabay kumain. “What’s your plan today?” tanong niya sa akin. “I am planning to find a job,” sagot ko. Kung mananatili na ako sa Pinas. Kailangan ko nang magkaroon ng trabaho. Hindi pwedeng wala akong ginagawa lalo na uuwi na ang anak ko. May ipon naman ako pero kailangan ko na pa rin ng steady income. “Job? I know you can easily find one, but if you need my help. Just tell me.” Tumingin ako sa kaniya at tipid na tumango. Alam kong kaya niya akong tulungan para magkaroon agad ako ng trabaho pero gusto kong magkatrabaho na walang backer. Iniisip ko rin na pwede rin naman akong mag-freelance o

