Chapter 56

1224 Words

APOLLO’s POV Mariin akong napapikit. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako kaya hindi tumama ang mukha ko sa manibela pero kita ko ang malaking yupi ng nasa unahang sasakyan at ang galit na galit na driver na bumaba mula rito. Bumaba na rin ako. May ibang nasa likuran ko na nilampasan na kami, mabuti na lang at malawak ang kalsada kaya kahit nakaharang kami sa daan ay nakakaraan pa rin ang iba. “Bulag ka ba?” galit na tanong sa akin ng lalaking malaki ang tiyan at medyo nauubos na ang buhok sa ulo. “Tingnan mo ang ginawa mo.” Tinuro niya ang yuping parte ng likurang bahagi ng sasakyan niya. Basag din ang isang ilaw nito sa bandang kanan. “I’ll pay,” mabilis na sad ko para matapos na ang usapan. Alam ko naman na may kasalanan ako dahil binangga ko siya. Bigla na lang kasi siyang tumigil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD