NATALIA’S POV Bitbit ko ang itim na plastic bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Apollo nang lumapit ako sa kaniya. Nakita ko pa ang nagtatakang tingin niya sa akin dahil sa dala ko. Marahil ay nagtataka siya kung bakit may bitbit akong bag. “Anong ginagawa mo rito? Wala si Daddy, may pinuntahan sila ni Mommy,” agad na wika ko nang makalapit ako sa kaniya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya. “I know. Ikaw talaga ang pinunta ko rito,” aniya at tumingin sa hawak ko. Hindi ito nagtanong pero kita ko ang pagtataka sa tingin niya. Ngumiti ako sa kaniya. “Ito nga pala ang mga gamit mo. Naglinis kasi ako ng kwarto ko kaya alam mo na. Hindi ko kasi alam kung itatapon ko o hindi kaya ibabalik ko na sa iyo ngayon.” Kita kong gumalaw ang kilay niya sa sinabi ko. Sumeryoso din bigla ang mukha ni

