THIRD PERSON POV Napatingin si Apollo sa sakong nasa likod ng kotse niya habang nagmamaneho siya. Hindi niya mapigilang matawa dahil sa dami nang pwede niyang paglagyan ng mga damit niya ay sako pa talaga dahil wala talagang balak si Lia na bigyan siya ng box o maayos na bag para paglagay noon gayong alam naman niyang meron ito. Alam niyang sinadya nito ito. Inaasahan na niyang magiging malamig sa kaniya si Lia oras na bumalik ito, alam din niyang gusto siyang iwasan ng babae pero hangga’t kakampi niya ang ama nito, alam ni Apollo na makakalapit siya sa babae kailan man niya gustuhin. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng dating bahay nil ani Lia. Kay Lia nakapangalan ang bahay kaya Malaya itong tumira doon kailan man niya gustuhin ngunit mukhang ayaw naman ng babae. Kaya kailangan niya

