NATALIA’S POV Gumagawa ako ng design ng kwarto ni London sa SketchUp para sa condo na bibilhin ko. Reservation pa lang naman ang nababayaran ko at hindi biro ang halaga ng condo. Pero hindi naman kasi pwedeng nasa poder pa rin ako ng mga magulang ko, ang bahay naman na tinutukoy ni Apollo, hindi ko alam kung bakit sa akin niya ipinangalan iyon. Kung gold digger siguro ako, tinanggap ko na agad iyon lalo na at wala akong nakuha kahit ano sa sa kaniya noong mag-divorce kami. Ano lang. Sperm lang niya kaya may anak kami ngayon. Nakita ko na ang buong condo kaya may ideya na ako kung anong ayos ang gagawin ko. Balak kong gawing Lego ang theme ng bedroom ni London kaya medyo colorful iyon. Wala naman akong ginagawa kaya mas mabuting gumawa na lang ako ng design ng kwarto ng anak ko. Pero na

