NATALIA'S POV “Hi, Cortez. Mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng pagkakataon,” napangising bati ni Drake ng lumapit siya. Ipinatong pa niya ang dalawang braso niya sa taas ng sandalan ng isang upuan na walang nakaupo sa right side ko. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni Chanty. “No.” “Yes.” Sabay na sagot naman namin ni Drake kaya nagdududang tumingin sa akin si Chanty dahil no ang sagot ko. “I mean. Kilala ko siya, pero hindi kami close,” paglilinaw ko. “Yeah, hindi kami close ni Ganda. Never nga siyang nakisakay sa kotse ko kaninang umaga habang tumatakas kay Haxell,” sarcastic na saad nito. Tiningnan ko ng masama si Drake. Bakit kailangan pa niyang sabihin ang bagay na iyon? Pwede namang hindi na siya magdaldal pa pero mukhang balak talaga ni

