NATALIA’S POV Mas lalong nagulat ang lalaki sa sinabi ni Apollo. Kahit ako ay hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Bakit sinabi na naman niyang asawa niya ako? Hindi ba talaga niya iniisip ang girlfriend niya? Ang mararamdaman nito. Kailan ba siya titigil sa kaka-announce sa lahat na mag-asawa kami? Gayong divorce na nga kami. Hinawakan niya ako sa pulso ko para hilahin pero may isang humawak din sa kabilang kamay ko kaya napalingon ako at nakita ko si Drake. “I think you can’t just drag her,” saad ni Drake. Asar na ngumisi si Apollo rito. “Just do your job, Salazar,” malamig na pasaring naman ni Apollo. Parehas kong hinila ang mga kamay ko pero pareho rin nilang ayaw bumitaw sa akin. “I am doing my job, Haxell. How about you? What are you doing her?” Nakita kong pasimpleng umalis

