NATALIA’S POV Nalaglag ang mga panga ko habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Apollo. Nabingi lang ba ako kaya mali ang pandinig ko o talagang baliw na siya? “Anong kagaguhan ang sinasabi mo? Apollo, naririnig mo ba ang sarili mo?” napapantastikuhang saad ko habang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya. Tumaas ang sulok ng mga labi niya habang nakatingin sa akin. “You can do it, Lia.” “I can! Pero hindi ko gagawin. Bakit naman kita aagawin sa kaniya? Nababaliw ka na ba?” “Siguro,” sagot naman niya. “I should stay away from you. I should not do this.” Mabuti alam mo, sigaw ng utak ko. “Pero anong gagawin ko kung hindi kita kayang balewalain? Na kahit magpanggap akong walang pakialam, I can’t deny that I miss you so much, that I miss my wife,” saad niya habang nakatingin sa

