NATALIA’S POV Muli akong napabalik sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng masama pero parang walang epekto iyon sa kaniya. “I have my own car. Kaya kong umuwing mag-isa.,” matigas na saad ko sa kaniya. “You will not go home alone.” “And why not?” Hindi niya ako sinagot. “Kaya kong magmaneho at umuwi mag-isa,” saad ko. Mabilis siyang umikot sa may driver seat at sumakay. Itinaas na rin niya ang bubong ng kotse bago nagsimulang magmaneho. “Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. Sumulyap siya sa akin. “I am just keeping you safe.” Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. “Safe? Why are you keeping me safe, hindi naman nanganganib ang buhay ko. You are being ridiculous, Apollo. You made a scene there, and now you are sa

