NATALIA'S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong bumangon. Naghilamos ako at nagpalit ng damit. Isang maong shorts lang ang sinuot ko at t-shirt. Mabuti na lang at may mga damit pa ako rito kaya nakapagbihis pa ako. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto, dala ko na rin ang bag ko. Medyo madilim pa pero alas singko na nang umaga. Pagbaba ko ay biglang sumalubong sa akin si Fifi kaya binuhat ko siya. Tumingin ako sa taas kung saan ang patungo sa kwarto ni Apollo. Tulog pa naman siguro siya kaya wala na siyang magagawa kapag kinuha ko si Fifi. “Baby, sasama ka na kay mommy,” bulong ko sa pusa habang buhat-buhat ito. Pero muntik na akong mapasigaw sa gulat nang pag-ikot ko para pumunta sa front door ay muntik ko nang mabangga si Apollo. “Good morning,” napangising

