NATALIA'S POV “How did you know him?” tanong ni Noreen habang nakasunod siya sa akin. Napahinto ako at lumingon sa kaniya. Nagpapahid siya ng pawis niya sa noo. “Sino si Drake?” “Yeah.” “Kaibigan siya ni Kuya. Nagkasabay kami noong dumalaw ako sa kanila. Kilala mo rin siya?” “Yes, nandito nga siya noong last birthday ni Dad, but we are not close.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Hindi kayo close pero kahit hindi mo nakita ang driver ng kotse, alam mong siya iyon,” wika ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. “Siya lang naman ang madungis palagi ang sasakyan. Saka natatandaan ko plate number niya.” Kunsabagay. May point siya. Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. “Lia, bakit may dala kang pusa?” nagtatakang tanong ni Mommy nang salubungin niya kami. “This is Fi

