NATALIA Umiwas ako ng tingin kay Apollo dahil sa sinabi niya. Reminder? What for? Bakit kailangan pa niyang alalahanin ang bagay na iyon? Hindi ba mas maayos kung kakalimutan na lang naming para pareho na kaming makausad at wala na kaming kailangang balikan. Nagsisisi ba siya sa nangyari? Pero hindi siguro dahil may bago na nga siya ngayon. “Alisin mo na. Hindi mo ba inaalala ang iisipin ng girlfriend mo kapag nalaman niyang nakasabit pa rin hanggang ngayon ang wedding picture natin?” “Why do you always think about what she will feel? You are showing too much concern for someone you’ve never met yet.” Humarap ako sa kaniya. Nakatingin siya ngayon sa wedding picture namin. “If you want a relationship to work. You should learn how to consider what your partner feels. You must remember

