NATALIA Nang dumating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mommy. Mukhang hinihintay talaga nila akong dumating. “Anong nangyari? Tinatawagan kita pero hindi ako sumasagot,” nag-aalalang tanong niya sa akin. “Dinalaw ko lang si Fifi,” sagot ko sa kaniya at tumingin kay Dad na nakaupo sa sala, nakatingin siya sa TV habang nanonood ng business news pero pakiramdam ko ay nakikinig rin siya sa usapan naming ni Mommy. “Fifi? Your cat?” Tumango ako kay Mommy. “Nagpunta ka sa bahay ninyo ni Apollo?” Muli akong tumango. Paano niya nalaman na nasa bahay pa ni Apollo si Fifi? “Sana tumawag ka. Tinawagan ko sina Alfert, ang sabi umuwi ka na raw pero anong oras na ay wala ka pa. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas. Kumain ka na ba?” Muli akong tumango sa kaniya. “Sa susunod, mag-text ka

