“Nakakahiya kung hindi mo sila mapapabilib, Marquez.” Tumigil ako sa tapat ng salamin, at pinunasan ang smudge sa labi ko. “Hindi ako nag-aral ng ilang taon sa UP para lang hindi makuha ang pitch na ‘to.” “Three minutes, Miss Ava.” Tumango ang PA. Pinagmamasdan ko ang mga slide sa tablet habang naglalakad. Tila ba bawat hakbang ay tumitibok sa tenga ko. Ang mga mata ng staff ay parang spotlight, sumusunod sa bawat galaw ko. “Grabe ‘tong batang ‘to,” narinig kong bulong ng isa. “Siya na raw ang next youngest exec.” Pagpasok ko sa boardroom, bumungad sa akin ang malamig na mga mukha ng senior officers. Kasama na roon si Adrian—kalmado siya, habang nakaupo sa dulo ng mesa. Tumikhim siya, pero hindi ngumiti. “Good luck,” sarkastikong bulong niya. Ngumiti ako pabalik. “Hindi ko kailangan

