Tatlong taon na ang nakalipas. Nakatayo ako sa parehong rooftop, malayo ang tingin sa mga ilaw ng lungsod. Sa tabi ko, malamig ang tinig ng mentor ko. “Trust no one, Marquez.” Humigpit ang hawak ko sa railing. “Not unless you’re willing to lose.” Ngayon. Malamig ang hangin sa rooftop ng Iconic Financial Group Tower. Mula sa taas, parang hindi totoo ang lahat. Tuloy ang takbo ng mundo, pero ako? Nakabaon sa kaguluhang hindi ko ginusto. Pumikit ako, habang pilit kinakalma ang sarili. Kung may espiya sa IFG, ilang hakbang pa ang lamang nila? Ilang saglit na lang bago tuluyan akong mawala sa laban? Hindi ko pwedeng hayaan. Pero paano kung… huli na? Kung ito na ‘yon? Kung ito na ang katapusan ko? May marahang yabag mula sa likod. “Dapat ba akong matakot na baka tumalon ka?” Lum

