Flashback to one year ago—Private dining room. Candlelight, red wine, at ang mga ngiting hindi dapat pagkatiwalaan. “Eventually, IFG will need restructuring,” sabi ni Celeste, habang nilalaro ang wine glass niya na parang chess piece. “And you think you’re the one to do it?” Itinaas ni Regina ang isang kilay. “If I help you do it, I want a seat at the new table.” Uminom si Regina, mabagal, walang emosyon. “Then start clearing the old ones.” Tahimik na nagtama ang kanilang mga tingin, pareho nilang alam na isang kasunduan ang nabuo. Hindi ako inimbitahan noong gabing iyon. Iyon din ang gabi nang simulan nila ang digmaan na hindi ko kailanman pinili. At ngayon? Wala na ako sa posisyong manood lang sa gilid. Panahon na para ako naman ang pumasok sa laro. Dire-diretso ako sa 10th floor

