Ava's POV.
May hawak akong ebidensya laban kay Regina—pero ang mata niya, unti-unti nang tumututok sa akin.
“Sigurado ka rito?” bulong ni Migs habang nakatingin sa email na binuksan ko sa laptop.
Tumango ako, pinag-aralan ang confidential records. Ilang beses kong inulit ang data, pero pareho ang lumalabas—may direktang ugnayan si Regina sa silent investor. At hindi lang basta koneksyon. Personal ito.
“Kung tama ‘to…” Napalunok si Jai, sumandal sa mesa. “Regina isn’t just covering for him. She’s protecting him.”
Ngumiti ako, pero walang init. “At kapag may pinoprotektahan ka, mas madali kang pabagsakin.”
Pero bago pa ako makaramdam ng tagumpay, biglang nag-pop up ang isang email sa screen ko.
From: Regina Santiago
Subject: Ava, let’s talk.
Napakurap ako. Hindi ito coincidence. Hindi simpleng meeting. Alam niyang may gumagalaw sa likod niya—at ako ang pangunahing suspek. Ngayon, ako ang nasa boardroom. At siya ang may hawak ng kutsilyo.
Kung may natutunan ako sa larong ito, isang bagay lang ang sigurado—walang nakakaligtas.
Sa larong ito, hindi lang kalaban ang kailangan bantayan—mas delikado ang mga hindi mo mabasa.
“Hindi ka nag-iisa rito, Ava.”
Pinagmasdan ko si Migs na abala sa pagta-type sa laptop, habang si Jai ay naka-dekwatro sa tabi niya, ngumunguya ng isang sugar donut.
“Alam kong hindi ako nag-iisa,” sagot ko, tinutukso ang rim ng aking tasa ng kape. “Pero tayo lang tatlo ang may alam niyan.”
“Mas mabuti ‘yon,” singit ni Jai, habang nilalapag ang donut sa napkin. “Mas konti, mas malinis.”
Alam kong totoo ‘yon. Sila Migs at Jai—sila lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Pero sa kabilang dulo ng opisina, si Regina ay tahimik na nakatingin sa akin. Alam niyang may gumagalaw sa likod niya.
At ang mas nakakaabala?
Si Ryan.
Lagi siyang nasa paligid, nakangiti, pero may kung anong nakatago sa likod ng mga mata niya.
"Ryan, ano ba talaga ang gusto mo?" malamig kong tanong.
Ngumiti siya. “Ikaw, Ava.”
Tiningnan ko siya nang matagal. Mas delikado ang taong hindi mo alam kung saan lulugar.
Alam ko kung sino ang kaaway ko. Pero mas delikado ang hindi ko matukoy.
Si Ryan ay lumalapit muli—hindi lang bilang ex, kundi bilang taong may gustong ipahiwatig.
“Alam kong may ginagawa ka, Ava.”
Tumigil ako sa paglalakad. Naroon siya, nakatayo sa gilid ng parking lot, ang mga mata niya hindi ko mabasa.
Huminga ako nang malalim bago bumaling sa kanya. “At ano namang ginagawa ko, Ryan?”
Lumapit siya, masyadong malapit. “Alam mong may ibang plano si Regina sa’yo, ‘di ba?”
Nanatili akong walang reaksyon, pero bumilis ang t***k ng puso ko.
Kung desperado siyang lapitan ako, ibig sabihin ba may alam siyang hindi ko pa natutuklasan? O mas malala… alam na niya kung ano ang alam ko?
“Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na,” malamig kong sabi.
Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mga mata niya. “Ingat ka, Ava. Hindi ikaw ang may hawak ng baraha.”
Kung ganito siya ka-desperado, ibig sabihin may hindi ako nakikita—at dapat ko nang makita.
Matagal na akong sanay sa laro ni Regina—pero ngayon, hindi na ako pawn.
“Alam mo bang hindi ka lang basta sinusubok, Ava?”
Tinitigan ko si Ryan. Ilang segundo akong nanatili sa katahimikan, sinusuri ang bawat salita niya, ang bawat pagbabago sa ekspresyon niya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko, kalmado pero matalim.
Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bumuntong-hininga. “Kung akala mong si Regina lang ang kalaban mo… nagkakamali ka.”
May kung anong gumapang sa likod ng leeg ko—isang babala, isang malamig na katotohanan.
Baka tama si Ryan. Baka hindi ko nakikita ang buong board. At kung totoo ang sinabi niya… baka mas malalim pa ang laro na pinasok ko kaysa sa inaakala ko.
Akala ko kontrolado ko na ang laban. Pero paano kung simula pa lang ito?
Isang serye ng hidden transactions. Parehong dummy accounts. Parehong pattern. At isang pangalan.
"Hindi ito coincidence," bulong ni Migs habang mabilis na tinatype ang isang code sa screen.
Nakatuon ang tingin ko sa mga lumilitaw na records sa laptop niya—isang serye ng financial transactions, pabalik-balik sa parehong dummy accounts. Parehong halaga. Parehong lagda.
“At sino ang nasa likod?” tanong ko, pilit pinapanatili ang boses na walang emosyon.
Nag-click si Migs sa isang file. Isang pangalan ang lumitaw sa screen.
Napakapit ako sa gilid ng mesa.
Dati, corporate rivalry lang ang laban namin ni Adrian. Ngayon? Baka hawak ko na ang ebidensyang maaaring magpatunay na kasabwat siya ni Regina.
Pero paano ko ito gagamitin? Paano ko mapapatunayan ito nang hindi ako mismo ang mahuhulog sa bitag? Dahil kung may isang bagay na sigurado ako… hindi siya basta-basta magpapahuli.
Kung gusto kong pabagsakin siya, kailangan kong gumalaw nang mas mabilis kaysa sa kanya.
Ang corporate world ay hindi lang laban ng impluwensya—ito ay isang larong dinidiktahan ng pera.
“Hindi mo sila matatalo nang hindi mo alam ang laro, Ava.”
Nakaupo si Migs sa tapat ko, ang laptop niya bukas sa isang encrypted portal na hindi ko pa nakikita noon. Sa screen, nakalista ang mga transaction—mga account na dumadaan sa offshore banks, money laundering disguised as corporate investments.
“Ganito gumalaw ang mga nasa taas,” bulong niya. “May sarili silang loopholes sa sistema. Legal sa papel, pero sa ilalim, isa itong higanteng sindikato ng pera.”
Napakuyom ako ng kamao.
“Kung gusto mong pabagsakin si Adrian,” patuloy ni Migs, “kailangan mong patunayan na hindi lang siya tauhan ni Regina. Kailangan mong patunayan na siya mismo ang mastermind.”
Tahimik akong napaatras sa kinauupuan ko. Ang tingin ko kay Adrian bilang isang puppet lang ni Regina ay isang pagkakamali. Baka hindi lang siya kasabwat. Baka siya talaga mismo ang may hawak ng lubid.
At doon ko lang napagtanto—baka hindi lang talaga si Regina ang dapat kong pabagsakin.
Akala ko ako lang ang nagmamasid. Hindi ko napansing may mata na ring nakatutok sa akin.
Pinagmasdan ko ang lumulutang na digits sa screen—mga bank records, mga transaction na hindi dapat lumabas. Ilang linggo na akong nagmamatyag, sinusuri ang bawat galaw ni Adrian at Regina.
Pero sa isang iglap, biglang nag-log out ang system ko.
Napaatras ako, mabilis na tinapik ang keyboard.
Bago pa ako makagalaw ulit, isang message ang lumitaw sa screen ko—puting text sa itim na background.
You’re playing a dangerous game, Ava.
Are you sure you want to continue?
Humigpit ang hawak ko sa laptop. May sumusubaybay sa akin.
Dahan-dahan akong tumingin sa paligid, pero ako lang ang nasa condo. Tahimik. Walang ibang tao. Pero alam kong hindi na ako nag-iisa sa larong ‘to. May ibang nagmamasid.
Kung sino man siya, isang bagay lang ang malinaw—hindi ako ang unang gumalaw.
May nakakaalam na sa ginagawa ko. Pero hindi ibig sabihin titigil ako sa paghahanap ng sagot.
“Tama ba ‘tong ginagawa mo?” tanong ni Jai, nakahalukipkip habang pinapanood akong nagta-type sa laptop.
“Hindi ko na ito matatakasan,” sagot ko, hindi inalis ang tingin sa screen.
Pinadala ko ang email draft sa inbox ni Adrian.
Subject: Let’s talk. I have something you might want to hear.
“Makikipag-usap ka sa kanya?” bumaba ang boses ni Migs.
Ngumiti ako, pero malamig. “Minsan, ang pinakamabilis na paraan para makuha ang sagot ay hayaan silang ipakita ito sa’yo.”
Alam kong mapanganib. Pero kailangan kong makita kung paano siya gagalaw.
Ang tanong dito, sino ang unang mababasag? Ako—o si Adrian? Dahil hindi lang pera at kapangyarihan ang nakataya. Ang unang papalpak, mawawala sa board.
Papasok ako sa bitag na alam kong hindi ako sigurado kung paano lalabas.
Inilabas ko ang mga ebidensya kay Adrian.
“Alam mo bang napakadaling i-trace ng mga transactions mo, Adrian?”
Hinila ko ang isang folder mula sa bag ko at marahang inilapag sa harapan niya. Ang listahan ng mga offshore accounts, ang ugnayan niya sa silent investor, ang pera na dumadaan sa mga dummy corporations—lahat ng ebidensya, nakalatag sa pagitan namin.
Pero sa halip na magalit o mataranta, natawa lang siya.
“You really think you’re the only one playing this game?”
Nanlamig ang katawan ko. May kung anong bumigat sa dibdib ko habang dahan-dahang tumatayo si Adrian, itinulak palapit sa akin ang folder na akala kong magiging alas ko.
“Ava,” bulong niya, nakatingin ng diretso sa akin. “Ikaw lang ang walang alam kung sino talaga ang nagpapatakbo ng kumpanyang ‘to.”
Napakuyom ako ng kamao. Si Regina ang target ko. Si Regina ang may hawak ng lahat. Pero bakit may pangamba sa loob ko? Bakit parang hindi lang siya ang dapat kong katakutan?
Kung tama si Adrian, hindi ko pa nga nakikita ang buong board. At baka ako nga ang pawn.
Bago pa ako makaalis, bumukas ang pinto. Si Regina. At alam kong bitag ‘to.
“Going somewhere?”
Napahinto ako. Ang boses ni Regina ay parang malamig na kutsilyong dumaan sa batok ko.
Lumingon ako. Nakangiti siya, pero hindi ito ang pamilyar na corporate facade. Iba ito—totoo. At nakakatakot.
“I was really hoping you’d be smart enough to leave this alone, Ava.” Umiling-iling siya habang marahang ipinatong ang kanyang branded na clutch bag sa mesa. “Pero matigas ang ulo mo.”
Tumingin ako kay Adrian. Nakangiti rin siya—tahimik, relaks, tila ini-enjoy ang bawat segundo ng palabas na ito.
Doon ko lang napagtanto ang mga mali ko.
Sinubukan kong pigilan ang panginginig ng kamay ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan. Pero sa oras na ito, isang bagay lang ang nasa isip ko—paano ako lalabas ngayon nang buhay?
Hindi ito laro sa corporate ladder. Ito ay laro ng buhay at kamatayan.
“Gusto mo bang malaman ang totoo?” tanong ni Adrian, may bahid ng panunuya sa tinig.
“Ano na namang palabas ‘to, Adrian?”
Ngumiti siya, inilabas ang phone niya at pinindot ang screen. “Wala. Isang maliit na… pasabog lang.” Itinaas niya ito sa harapan ko.
Lumabas ang isang video.
Si Enzo.
Napalunok ako. Nakaupo siya sa isang madilim na kwarto, kaharap ang isang lalaking hindi ko pa nakikita noon. Hindi malinaw ang mukha ng kasama niya.
“You’re looking at the real silent investor, Ava,” bulong ni Adrian, nangingislap ang mga mata sa kasiyahan. “And Enzo knew about him all along.”
Parang biglang lumiit ang mundo ko. Matagal ko nang hinahanap ang kasagutan, at ngayon, isang bagay lang ang malinaw—ang taong inakala kong nawala ay matagal na palang may alam.
Kung ganito kalaki ang itinatago ni Enzo, isang tanong lang ang bumagabag sa akin ngayon—bakit?
Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan. Hindi ngayon. Hindi kay Adrian. Hindi sa kanila.
Mabagal kong tinapik ang mesa, pilit pinapanatili ang composure ko. “And what do you want me to do with this, Adrian? Matakot?”
Ngumiti siya, iniikot ang phone sa pagitan ng mga daliri. “Oh, I don’t expect you to be scared, Ava. But I do expect you to listen.”
Itinaas ko ang baba ko. “At kung kunin ko ‘yang video?”
Natawa siya, malalim, mabagal. “Then you’d be playing the wrong move.”
Alam kong hindi niya ito ibibigay nang basta-basta.
Tumayo ako, hinayaan ang malamig na ekspresyon sa mukha ko. “If you think I’ll back down, Adrian, then you don’t know me at all.”
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya.
Lalaban ako. No choice.