Chapter 65

1481 Words

Unang araw ko bilang Senior Account Manager—mataas ang tingin ng lahat sa akin. “Regina’s golden girl,” bulong ng isa. “Pinakamatapang na babae sa finance.” Wala akong alam noon kung gaano kadaling mawala ang kapangyarihan. Ngayon, hindi na ako si Ava Marquez na kinatatakutan nila. Ako na si Ava Marquez, suspended manager, top trending office gossip. “Totoo bang na-suspend siya?” “Baka next na ‘yan, resignation.” Put*ngina. Pumasok ako sa break room. Natigil ang bulungan. Parang eksena sa pelikula—lahat nakatingin sa akin. May isa pa ngang muntik mabulunan sa kape. Sa isang sulok, naka-sandal si Enzo, habang nakangisi. “You still have that effect on people, Marquez,” aniya, malamig ang tono. Hinayaan ko lang. Hindi ko siya binigyan ng kasiyahang makuha ang sagot na gusto niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD