CHAPTER 4

1400 Words
Hansel POV. MONDAY, 2:38PM PH time Pagkababa na pagkababa ko ng eroplano ay nagpahatid na kaagad ako sa bahay ampunan. 20 hrs mahigit ang naging flight ko at nag stop over pa ito sa tatlong bansa. Mahigit tatlong oras din ang naging biyahe ko bago ako nakarating sa bahay ampunan. Madilim na ang kalangitan pero pansin mo pa rin ang kagandahan ng bahay ampunan. May mga handmade lantern sa bakod nito na may iba't-ibang drawing at may ilaw sa loob na panigurado ang mga bata ang gumawa. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal sa mga sandali na ito. Isang dekada mahigit na rin ang nakalipas simula noong umalis ako rito. May bakod na sila na dating wala, may isa pang building na may dalawang palapag ang nadagdag at mga bagong puno na dati ay wala. Natigil ako sa pagmamasid ng may batang sumilip galing sa bakod. “Sino po ang hanap nila? Magaampon po ba kayo o magdodonate?” tanong nito. Napangiti ako sa tanong nito at sinagot ang kan’yang tanong, “Nandito ba si Auntie Cel?” tanong ko. “Opo, gusto mo po bang tawagin ko siya?” tanong nito. Tumango ako at mabilis naman itong pumasok sa loob. Bitbit ang aking maleta ay pumasok ako sa loob ng gate. Maya-maya pa ay may humahangos na matanda papalapit sa ’kin. “’Asan na ‘yong magnanakaw?” tanong ni Auntie Cel. Tinuro ako ng bata kaya napatingin ito sa ’kin. Inayos nito ang kan’yang salamin. “Napaka guwapong magnanakaw naman ‘yan. Ikaw talaga Matmat kung ano-ano ‘yang sinasabi mo. Pumasok kana nga doon sa loob at maglinis kana,” saad nito sa batang nasa tabi niya. Mabilis naman na pumasok si Matmat at lumapit sa ’kin si Auntie Cel. “Magandang gabi iho. Pasensya kana sa alaga ko. Anong maipaglilingkod ko sa ’yo?” Lumapit ako sa kan'ya at yumakap. Halatang nabigla ito sa ginawa ko kaya nagsalita ako, “Ako ito Auntie. Si Hansel Cruz,” saad ko dito at mas niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman ko rin na yumakap ito at maya-maya ay umiyak. Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang mga mukha nito. “Bakit ka naiyak Auntie? Hindi ka ba masaya?” tanong ko. Pinalo ako nito sa p***t at kinurot sa tagiliran. “Aray Auntie ah. Hindi mo talaga ako love.” Ngumuso ako at umarte na parang nasaktan sa ginawa niya. “Ikaw bata ka. Bakit ngayon mo lang naisipan na dumalaw rito? At tsaka tigilan mo ako at mahina lang ‘yong ginawa ko. Tara sa loob at malamok dito,” saad nito at pumasok na kami sa loob. Bumungad sa akin ang mga batang busy sa pagkukulay ng mga coloring book nila. Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil mga busy ito. “Mag bata, batiin natin si kuya Hansel niyo. Nakatira rin siya dati rito at sa awa ng Diyos ay naampon siya ng isang pamilya galing sa Amerika,” masayang sabi ni Auntie. Ang mga bata na kani-kanina lang ay nagcocolor ay nagtakbuhan sa harap ko. “Sana all po.” “Malamig po ba sa Amerika kuya?” “May unicorn ba roon?” “Kuya ‘di ba mapuputi taga Amerika bakit po Moreno ka?” “Kuya bakit may muscle ka? Kapag ba pumunta ako sa Amerika magkaka muscle rin ako?” Ilan lang ‘yon sa mga tanong ng mga bata. Isa-isa kong sinagot ang mga tanong nila. Dumadami ang mga tanong nila kaya napilitan si Auntie Cel na paakyatin na sila sa mga kuwarto nila. “Pasensya kana sa mga bata ah,” pagpapaumanhin nito. Umiling ako bago sumagot, “Okay lang po Auntie nakakatuwa nga po. Bihira lang po kasi ang mga bata na lumalabas sa lugar namin,” sabi ko. “Tara sa opisina ko Hansel, marami akong ikukwento sa’yo. Ay teka, kumain ka na ba?” tanong niya. “Opo Auntie kumain po ako sa sasakyan kanina.” Tumango ito at naglakad na papunta sa opisina niya kaya sumunod ako. Pagbukas ng kan’yang opisina ay bumungad sa ’kin ang maraming larawan ng mga bata. Hindi ko napigilan ang lumapit sa mga larawan na iyon at pagmasdan. May mga lumang larawan ng mga bata at may mga bago rin pero isa lang ang nakaagaw sa’kin atensyon sa mga larawan doon. Maliit lang ito at black and white ang kulay pero ang mga ngiti sa mga labi at mata ng mga bata sa larawan ay hindi maitatago. Ako, si Ella at si Ria iyon. Mukhang kuha pa ito noong 8 years old kami. “Alam mo ba iho noong umalis ka ilang linggo rin tulala si Ria sa kuwarto niya simula noong sinugod namin siya sa hospital noong araw na umalis ka,” saad nito. Napalingon ako sa kaniya at nakatinggin ito sa isang larawan. Lumapit ako sa kan’ya at hawak niya ang larawan ni Ria at Ella na nakasuot ng toga. “Ho? Sinugod po si Ria?” hindi ko alam ang bagay na iyon. Kung alam ko lang na babalik ang sakit niya ay hindi na ako umalis. “Hinabol niya kasi ang sasakyan niyo. Alam mo naman na malapit ang loob nang bata na iyon sa’yo dahil sabay kayong lumaki sa lugar na ito.” Ibinigay niya ang larawan ni Ria sa akin na naka suot ng toga sa college. Napaka ganda nito. “Kamusta na po pala sila ni Ella? May mga umampon din po ba sa kanila?” tanong ko. Umiling si Auntie at umupo sa kan’yang upuan. “Walang umampon ka Ria kapag nalalaman nila ang sakit nito, habang si Ella naman ay meron pero hindi ito pumayag na sumama sa kanila dahil ayaw niyang iwanan si Ria na mag-isa rito.” Napatango ako sa sinabi nito. Matatag pa rin ang pagkakaibigan nila simula noong una pa lang. “Kamusta na po sila? Saan na po sila ngayon? Magkasama pa rin po ba sila hanggang ngayon?” sunod-sunod kong tanong kay Auntie. Napailing ito sa mga sinabi ko. “Magkasama sila ng ilang taon pagtapos nila grumaduate sa college pero naghiwalay lang sila ng mabuntis si Ella at nagpakasal ito nobyo nito habang si –” napatigil ako sa paghingga nang mapahinto si Auntie sa pagsasalita. Ngumiti si Auntie bago magsalita, “si Ria ay isang journalist sa Maynila sa totoo lang ay nandirito siya kaninang umaga sayang at hindi kayo nagkita.” Gusto ko man matuwa pero hindi pa rin nasasagot ni Auntie ‘yong tanong sa isip ko. “Ganoon po ba, sayang nga po. Kasama po ba ni Ria ‘yong asawa niya?” tanong ko dito. “Asawa? Wala namang asawa si Ria iho. Nobyo nga ay wala iyon asawa pa kaya,” sabi nito at tumawa. Nawala na lang bigla ‘yong kaninang gumugulo sa isip ko. Sinabayan ko ito sa pagtawa dahil masaya ako. “Ilang taon na si Ria pero wala pa rin siyang asawa?” tanong ko. May kinuha itong papel at may sinulat doon. “Ewan ko ba sa bata na ‘yon. Sabi ko at mag-asawa na para naman may mag-aalaga sa kan’ya kaso matigas ang ulo at uunahin daw niya muna ‘yong career niya,” saad nito at inabot sa’kin ‘yong maliit na papel. “’Yan ang cellphone number ni Ria. Gusto ko man ibigay sa’yo ang address niya pero kahit kami wala. Ayaw niya ibigay dahil ayaw niya na bumisita kami roon panget daw ang bahay niya.” Tiningnan ko ‘yong papel na hawak ko. “Pero alam niyo po ba kung saan lugar siya nakatira?” “Ang alam ko ay sa Maynila iho. ‘Di ko alam kung saan doon pero sa may BGC ‘ata siya nagtratrabaho,” sagot nito. Nilagay ko sa pitaka ‘yong papel at tumayo na. “Maraming salamat po Auntie. Aalis na po ako.” Handa na sana akong umalis pero pinigilan ako niya ako. “Anong aalis ka d’yan. Dito kana matulog at gabi na iho may guest room dito sa may taas,” saad nito. Gusto ko man tumanggi ay pinagbigyan ko na si Auntie dahil matagal rin kaming hindi nagkita. Susulitin ko muna ngayon dito sa bahay ampunan, Bukas ko na lang hahanapin si Ria. “Sige po Auntie.” Ngumiti ito at lumabas ng k’warto dahil aayusin niya raw ‘yong k’warto na pagtutulugan ko ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD