Hansel Pov
Lulan ng isang magarang sasakyan. Lumabas doon ang isang napaka guwapong lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves at maong na pants.
“OMG! Doc. Hansel is here,” sabi ng isang intern. Natawa na lang ako dahil kahit sa mga intern ay sikat pala ako.
“Good evening everyone, sorry I’m late,” saad ko sa kanila. Ngayong gabi ay isang farewell party ang inihanda nila para sa ’kin.
“No-no! It’s okay! Come on and sit over here,” sabi ni Doctor Mark. Nagsi-usugan sila para mabigyan ako ng puwesto. Nang makaupo ako ay nagsimula na silang magkuwentuhan tungkol sa mga taon na nag-intern ako sa hospital.
“So Doc. Hansel, what’s your plan after you arrive at your country?” tanong ni Nurse Eva.
Ang kanilang sari-sariling mundo ay biglang napunta sa ’kin. Ngumiti ako bago sumagaot, “Well, I’m planning to visit my hometown first and see if my old friends were still there and after that maybe I will find a new job,” saad ko.
“But what if your friends are not there? Are you planning to search for them?” tanong ni Nurse Irish. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. What if kung naampon na sila noong umalis ako? What if kung lumipat na sila ng ibang lugar? What if kung may mga asawa na sila? Maraming ‘what if’ ang pumasok sa isip ko. Natatakot ako na sa pag-uwi ko ay wala na akong babalikan.
“Well if I must I will do it,” nakangiti kong sabi. Itinaas ko ang baso ko para makipagcheers sa kanila. Ito na ang huling beses na makikita ko sila.
Matapos ang pagsasalo na ‘yon ay umuwi rin ako ka’gad. Kailangan ko pang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa aking pagbalik sa bansang sinilanggan ko. Naaalala pa kaya nila ako?
Maraming taon na rin ang nakalipas. Wala akong naging komunikasyon sa kanila noong umalis ako dahil naging busy ako sa paga-adjust sa lugar na ito. Nang mauso naman ang mga gadget at social media ay wala naman akong oras dahil naging busy ako sa pag-aaral ng medisina. Maraming oras ang ginugol ko para lang maging isang licensed doctor at sa wakas ay natupad ko na ito ngayong taon.
Sa gitna ng aking pagiimpake ay pumasok si mommy sa aking kwarto. May dala itong dalawang pares ng kneeted scarf na sa tinggin ko ay siya ang gumawa. May namumuong luha sa mga mata nito pero pinipilit niyang ngumiti.
“Hey mom,” bati ko dito. Umupo ito sa kama at tinulungan ako sa pag-iimpake.
Tahimik lang kami nang una pero maya-maya pa ay bigla na lamang umiyak si mommy. “I’m gonna miss you but we can’t keep you here forever.” Ang mga luha nito ay patuloy sa pagpatak kaya lumapit ako sakan’ya para yakapin ito.
“Mom, you and dad can visit me there anytime or I will comeback here every Christmas or holidays. Don’t be sad.” Hinagod ko ang kan’yang likod pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito tumahan ng tuluyan.
Isang katok sa pintuan ang aming narinig at pumasok doon si Lizzy.
“Mom, Dad are waiting for us in the car. Hansel flight will be in 3 hours so we need to move your asses right now or we’ll be late,” maarte nitong sabi.
“Lizzy! Stop calling your brother by his name. Call him kuya,” saad ni mom. Inirapan lang siya ni Lizzy at lumabas ng kwarto. “Sorry about your sister. Come on lets pack your things.” Nginitian ko ito at nagsimula na rin magimpake.
Si Lizzy ang biological daughter ng aking parents. Ilang buwan nang dumating ako rito ay nabuntis si mom at ‘yon si Lizzy. Sabi sa ’kin ni Mom suwerte daw ako sa kanila dahil simula ng dumating ako sa kanila ay ang pagdating din ng mga suwerte. Una, nabuntis si Mom. Pangalawa, na promote si Dad sa kan’yang trabaho at umunland din ang negosyo ni Mom. Naging masaya ang pamilya namin maliban na lang nang magkaisip si Lizzy sa mga bagay-bagay. Tinanong nito noon si Mom kung bakit wala akong baby photo sa photo album namin kaya naisipan na nila na sabihin na hindi nila ako biological son kun’di ay adopted lang. Doon na nagrebelde si Lizzy, hindi niya na ako masyadong pinansin at kung kakausapin naman ay nagtataray palagi. Kahit ganoon naman ang pakikitungo niya sa ’kin ay mahal na mahal ko ang kapatid ko.
Pagtapos naming mag-impake ay mabilis kaming umalis papunta sa airport.
“This is it son. You’re finally going home,” saad ni Dad. Tiningnan ko si Dad, Mom at Lizzy. Mamimiss ko sila.
“You’re my home Dad okay. Stop saying that as if we will never see each other again,” sabi ko rito.
“I’m just kidding. We’ll see you again soon my son take care.” Tinapik ako nito sa balikat at niyakap. Niyakap din ako ni Mom at nagsabi ng onting paalala sa mga dapat kong gawin.
“How about you Lizzy? You don’t want to say goodbye to your kuya?” tanong ni Mom. Napatingin tuloy ako sa kan’ya. Halatang malungkot ito pero nakataas pa rin ang kilay nito.
“Lizzy stop being a brat please. Hug your kuya or else I will cut off your allowance,” seryosong sabi ni Mom. Walang nagawa si Lizzy kun’di ang sumunod kay mommy at niyakap ako.
“Take care my princess,” mahina kong bulong sa mga tainga nito. Hinigpitan nito saglit ang kan’yang pagkakayakap at mabilis din na bumitaw.
“Bye,” saad nito.
“Let’s pray first before you go in,” sabi ni Mom. Naghawak kamay kami at bumuo ng maliit na circle at nagdasal. Matapos ang maikli naming panalangin ay pumasok na ako sa loob ng airport. Ilang sandali lang ay tinawag na ang flight ko at pumasok na ko sa loob ng eroplano. Medyo matagal-tagal pa ang iintayin ko bago ako makakauwi sa Pilipinas.
Maria’s Pov
Maaga pa lang ay bumayahe na ako para saktong tanghali ay nasa bahay ampunan na ako. Bitbit ang mga laruan na binili ko sa Divisoria ay lumabas na ako ng bahay.
“Aling Ising pabantay na lang po muna ako nang scooter ko, babalik din po ako mamayang gabi,” sabi ko kay Aling Ising. Sa tapat kasi ng bahay niya nakaparada ang scooter ko palagi.
“Sige lang Ria mag-iingat ka,” saad nito. Kumaway ako at nag-antay ng tricycle papunta sa terminal ng bus. Nang makakita ako ay kaagad ko itong pinara at nagpahatid sa terminal.
Nakakapagod ang mga nakaraang araw. Muntik pa akong kasuhan ng isang artista na hindi ko na papangalanan. Lagi niya raw kasi akong nakikita sa labas ng agency nila samantalang hindi naman siya ‘yong inaantay ko. Masiyadong na kasing maproblema iyon, dati-rati kasi ay siya ang laman ng iba’t-ibang website pero nanawa na ang mga tao sa kan’ya. Kahit sino naman mananawa sa taong kunwari ay nagsasabi ng totoo tapos mga ilang araw lang ay may maglalabas ng totoong nangyari at hindi raw totoo ‘yong sinasabi ni artist kaya medyo nanawa na kaming ibalita siya.
Pagdating ko sa terminal ay bumili kaagad ako ng ticket at sumampa sa bus. Sa may bandang unahan lang ako naupo dahil kung makatulog man ako at kung may magtangkang gumawa ng kung anuman ay mabilis akong makakahingi ng tulong sa driver at konduktor.
Wala pang mas’yadong pasahero kaya nilibang ko na lang aking sarili sa pakikinig ng balita na ngayon ay naka on-air sa radyo nitong bus. Ang segment nila ngayon ay tungkol sa mga tatakbong presidente sa susunod na halalan. Maraming opinyon ang mga Dj sa segment na ‘yon. Nakakarinig din ako ng mga opinyon dito sa ibang pasahero ng bus tungkol sa mga presidente na nais nilang tumakbo. Pero aanhin mo ang magaling na pinuno kung ang mga pinamumunuan niya ay hindi sumusunod? Kasi kung anumang galing ng isang pinuno kung ang kan’yang nasasakupan ay hindi nakikiisa paano tayo uunlad.
Kalahating oras ang lumipas bago umalis ‘yong bus na sinasakyan ko. Buti na lang at hindi traffic kaya dalawang oras lang ay nakarating na ako sa aking destinasyon. Sumakay muli ako ng tricycle na mahigit 15 minuto ang nilakbay papunta sa bahay ampunan dahil nasa may bandang taas ito ng bundok. T’wing naiisip ko ang malaking grassfield at ang view sa mga kabundukan ay naeexcite ako.
Pagdating ko roon ay nakita ko ang mga bata na masayang naglalaro ng bola. Sa sobrang busy nila ay hindi nila ako napansin hanggang makapasok ako sa maliit na gate.
“Si Ate Ria!” sigaw ni Krista ng makita niya ‘ko.
“Ate Ria!” sigawanan ng mga bata at tumakbo papalapit sa ’kin. Sabay-sabay silang yumakap sa ’kin kaya ginantihan ko ito.
“Kamusta kayo?” tanong ko sa kanila. Ginaya ko sila papasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ni Misty at kinuha ang mga dala ko.
“Ako na po ang magdadala rito Ate Ria,” sabi ni Misty. Si Misty ay isang 14 years old na palaboy-laboy noon sa kalsada. Natuto itong magnakaw dahil sa kahirapan ng buhay. Isang beses ay ninakawan nito si Auntie Cel noong minsan na kinuha ni Auntie ‘yong mga donation sa munisipyo. Sakto naman na may mga barangay tanod doon kaya nahuli kaagad si Misty. Dadalhin sana ito sa barangay pero tinanong ni Auntie kung gusto niya bang sumama sa kan’ya at doon nagbago ang buhay ni Misty. Wala mang umapon sa kan’ya ay suportado naman ang pag-aaral niya hanggang kolehiyo.
“Ria iha. Kamusta ang biyahe?” tanong ng kararating lang na si Auntie Cel. Ang dating maitim nitong buhok ay onti-onti ng pumuputi.
“Okay naman po Auntie, ‘asan na po pala si Vincent? Gusto ko po siyang makita,” sabi ko rito.
“Nasa k’warto nila. Tara samahan na kita,” nagpaalam ako sa ibang bata na pupuntahan ko muna si Vincent.
“Pagtapos ate laro na tayo ah,” saad ni Chris.
Pinisil ko ang matataba nitong pisngi at ngumiti bago sumagot, “Oo naman. mamaya ay kakain tayo ng pancit,” sabi ko dito. Ang mga mata nito ay nagliwanag dahil sa sinabi ko.
“Yehey! Sige po maglalaro na po ako,” sabi nito at mabilis na tumakbo sa labas. Naglakad na ako papunta sa k’warto ni Vincent. Nandoon na sa loob si Auntie Cel at kinakausap ito.
“'Andito na si Ate Riri mo Vincent. Pumunta siya ngayon kasi kaarawan mo,” sabi ni Auntie. Pumalakpak naman si Vincent at hinanap ako sa paligid at nang makita niya ako ay ngumiti ito. Napansin ko rin ang katabi niyang bata na si Julius, ang kan’yang matalik na kaibigan.
“Hello Vincent at Julius,” bati ko sa kanila. Lumapit ako sa kama ni Vincent at umupo sa tabi noon. “Happy birthday Julius. Ilang taon kana?” tanong ko dito.
Pinakita niya ang kan’yang walong daliri at tumuwa. Hinagod ko ang mga buhok nito ganoon din sa kan’yang pisngi.
“Galing mo naman, at dahil birthday mo ngayon may regalo ako sa ’yo.” Nilabas ko mula sa aking bag ang isang coloring book at mga colors. Tig-dadalawa iyon dahil ‘yong isa ay para kay Julius.
“Salamat po ate Ria!” masayang sabi ni Julius at binuklat ang libro para tignan ang mga pahina nito. Tinutulungan niya rin si Vincent sa paglipat ng page sa aklat nito. Nakakatuwa silang pagmasdan. Naalala ko tuloy si Hansel at Ella kasi dati kapag sinusumpong ako ng sakit ko ay inaalalayan nila ako at tinutulungan na pasayahin ako para mawala na ‘yong paninikip na dibdib ko. Ang sarap maging bata ulit.
Pagtapos kong makipagkuwentuhan sa kanila ay tumulong ako sa pagluluto ng pancit at shanghai na paborito ng mga bata rito. Pagtapos naming magluto ay inihanda na namin iyon sa mahabang lamesa. Si Misty ang nag-aayos ng mga plato at tinidor habang ako naman ay inaayos ko na ‘yong mga baso at nilalagay sa mga upuan ang dala kong regalo.
“Ria tawagin mo na ang mga bata sa labas at kakain na tayo,” utos sa akin ni Auntie. Lumabas ako ng bahay at tinawag ang mga bata. Nilibot ko rin ang buong labas at baka may naiwan pang bata dito sa labas.
Nang masiguro ko na wala ng bata sa labas ay bumalik na ko sa loob pero bago man ako makalayo sa lugar na ‘yon ay natanaw ko ang sirang duyan na gawa sa gulong ng bike. Ito ang duyan na ginawa ni Hansel para sa amin ni Ella. Lagi kami rito nakatambay at naguusap tungkol sa mga plano namin sa buhay, nakakatuwa lang na kahit lumipas na ang ilang taon ay nandito pa rin ito. Kahit nasira na ito ay hindi pa rin ito tinatanggal ni Auntie Cel dahil alam niya na mahalaga sa’kin itong swing.
Natupad na kaya ni Hansel ang kan’yang pangarap? Sana oo, dahil ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo kung nagkatotoo ito.