CHAPTER EIGHTEEN

1533 Words
---Zethrius-- Nagmamadali niyang tinahak ang maliit na iskinita papunta sa bahay nila sa looban. And when he reach their house, diretso agad siya sa loob. "Inay anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya at nilapitan agad ang ina na nakahiga sa maliit nilang sofa. Dahan-dahan itong bumangon. "Nakita ko kasi siyang biglang natumba doon sa labas ng bahay ninyo Zeth. Mabuti nalang at naagapan kong alalayan, kung hindi baka napasama ang bagsak ng ulo niya sa konkreto." Napatingin siya sa gawi ni Froi. Ito ang tumawag sa kanya at ibinalita ang nangyari. "Salamat pare." Lumapit siya sa tabi ng ina. At hinawakan ang kamay nito. Her hands is cold and shaking. "Halika na inay, dadalhin ka namin sa ospital." Sabi niya at akmang tutulungan itong tumayo. Ngunit pinigilan siya nito. "Kuu.. ano ka ba, Zeth, nahilo lang ako saglit, pero ayos na ako ngayon. Napagod lang marahil ako. Ipagpapahinga ko nalang ito dito sa bahay natin. Hindi na natin kailangan pumunta sa ospital, mas lalo akong manghihina doon eh." She said breathless. "Matagal ko na kasing sinasabi sa inyo na huwag na kayong maglabada at magtrabaho sa bahay ni Mrs. Chua. Ayaw ninyo kasing makinig sa akin. Kaya nga po ako nagtatrabaho para may pantustos tayo sa mga pangangailangan natin sa araw-araw. At sapat naman ang kinikita ko sa talyer para makakain tayo ng maayos. Dumito nalang kasi kayo sa bahay, inay.." "I-Ikaw talagang bata ka... Ano naman ang gagawin ko dito sa bahay? Huwag mo na nga akong alalahanin at sanay akong nagtatrabaho. Mas lalo akong magkakasakit kung wala akong ginagawa. At saka gusto rin kitang tulungan kahit papano. Nag-aaral ka tapos nagtatrabaho pa." "Kaya ko naman pong pagsabayan iyon, malakas pa po ako." "H-Huwag na natin itong pagtalunan Zeth. Ganito nalang, pag nakagradweyt ka na, saka ako titigil sa pagtatrabaho." Hinihingal pa rin nitong sabi. Putlang-putla pa rin ito at tila habol ang hininga. And he can't just sit and watch her in that state. Sa ayaw at gusto nito, dadalhin niya ito sa ospital o kaya sa isang clinic para magpa- check up. Muli niya itong inalalayan. "Kung ayaw ninyong pumunta ng ospital, kahit sa clinic nalang tayo pumunta. Maputla pa rin kayo inay at--" Naputol ang sasabihin sana niya ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. But he didn't bother to take it from his pants pocket, priority niya ngayon ang kalagayan ng ina. "Halina po kayo." He said. Urging her. "Sabi nang okey na ako." She said trying to plaster a smile. "Sige na.. sagutin mo na ang tumatawag. Baka importante iyan." "Inay..." "Sagutin mo na Zeth.." Malalim siyang napabuntong-hininga, tinapunan niya pa ng tingin ang ina bago dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. He licked his lips as he saw Drey's name on the screen. "S-Si Drey ba ang tumatawag?" Napatingin siyang muli sa ina pagkunwa'y marahan na tumango. "Sagutin mo na." She urged him. Ibinaling niya muli ang atensyon sa kanyang cellphone, at sinagot nga iyon. "Z-Zeth?" Just to ceased his brows. Napadiretso siya ng tayo ng marinig ang tila nanginginig nitong boses. Agad na bumahid ang alala sa kanyang sistema. Kanina ng tawagan niya ito, ramdam na niya na may nangyari, hindi lang nito sinabi sa kanya. Hindi na rin naman siya nagpumilit na malaman, because he thought that maybe it was about her family and it was a private matter. And now she called him, with her voice trembling. "Anong nangyari? Are you okey?" "N-Nasa shop ka pa ba? Can you please come here? I really need to talk to you. K-Kahit sandali lang.. please..." "Where are you?" "I-I'm here at the school gym?" "School gym?" What the hell is she doing at the school gym? Sa ganitong oras? "W-Wala kasi akong maisip na tahimik na lugar na pwede tayong makapag-usap eh. I-I'm so...lost right now Zeth. Please, puntahan mo ako rito." He darted his eyes on inay Zeny. "Anong sabi ni Drey?" Tanong nito. "M-May nangyari ba?" "Please Zeth. I need you right now to come here." Muli niyang itinuon ang atensyon sa kasintahan. She has the same urgent voice. At mahihinuha niyang may malaki nga itong problema. "O-Okey.. diyan ka lang huwag kang aalis. Drey.. huwag kang umalis. Do you understand me?" "I-I'll wait for you here." Matapos na sabihin iyon ay ibinaba na nito ang cellphone nito. At naiwan siyang hindi mapakali. "A-Anong sabi ni Drey, Zeth?" Ulit na tanong ni Nanay Zeny. "Anong nangyari sa kanya?" Napuno na rin ng pag-aalala ang boses nito sa kabila ng kalagayan nito. "Hindi niya sinabi inay, pero mukhang may problema siya. Nasa gym daw siya ng skwelahan ngayon." "Naku, a-anong ginagawa niya doon? Eh gabing-gabi na? Puntahan mo Zeth. Mukhang kailangan ka niya." "Idadaan ko muna kayo sa clinic, pasasamahan ko lang sa inyo si Froi at Aling Norma." "S-Sinabi nang okay na ako. Sige na, puntahan mo na si Drey.." "Pero inay--" Marahan nitong hinawakan ang kanyang kamay. "Puntahan mo na siya. Sige na.." She is looking at her with eyes almost pushing him. He heave a sigh. "Sigurado po kayo na ayos na talaga kayo?" Ulit na naman niyang tanong. Hindi talaga siya mapakali. Tumango ito at nanghihinang ngumiti. "Oo nga, kaya puntahan mo na siya." Naglapat siya ng labi at alanganin pa rin itong tiningnan. Pero maya-maya ay nagdesisyon siya. "Sige po inay pupuntahan ko muna siya. Mukha nga pong may malaki siyang problema ngayon. Froi, Aling Norma.." Baling niya kina Froi at Aling Norma na nakatayo sa may pinto. "Pwede po bang samahan ninyo muna si inay hanggang sa bumalik ako?" Aling Norma plaster a gentle smile. "Oo naman Zeth. Walang problema. Kami na muna ang bahala sa kanya." He nodded. "Salamat po. Aalis po muna ako." Bumaling siyang muli kay inay Zeny. "Inay.." When she nodded, mabilis pa sa alas kwatro siyang tumalikod at halos takbuhan niya ang iskinita sa kanilang looban para puntahan ang talyer at hiramin ang owner jeep ni Mang Carding. >>> Mariin na napapikit si Drey matapos maibaba ang tawag niya kay Zeth. Mahigpit niya rin hinawakan ang cellphone niya bago niya iyon inilagay sa kanyang bulsa. "Sinabi ko na sayo, Marge.. mahal talaga ni Zeth si Drey. Hindi mo lang kasi matanggap na hindi mo siya nagawang magkagusto sayo, at si Drey, nagawa niya. And I think, Zeth is crazy head over heels inlove with her now." Nagmulat siya ng kanyang mga mata ng marinig ang tinig na iyon ni Vera. They are a few steps away from her. At habang nakangisi si Vera, si Marga naman ay madilim ang mukha. She gritted her teeth sarcastically. Alam naman niya na hindi talaga kaibigan ang turing ng mga ito sa kanila ni Lila simula pa lang, but she never thought that they were this bitchy. "Ikaw ba naman pati kaluluwa ibigay, sinong lalake ang hindi mababaliw?" Marga hissed sarcastically. She gritted her teeth more. Pero wala siyang balak na patulan ito. She won't stop that low. Hindi niya ito ka level. "Ginawa ko na ang gusto mo kaya tuparin mo rin ang pangako mo na hayaan ako ang magsabi kay Zeth. Ako ang magsasabi Marga." Matigas niyang sabi. "But of course, Drey. The tables is all yours. Pero gusto ko, ngayon gabi mo sabihin. Because if you're not going to tell him, kami ang magsasabi. After all, the ticket is already in your hands." "Wala sa pustahan na sasabihin ninyo sa kanya ang tungkol dito." "At wala din sa pustahan na hindi namin pwedeng sabihin." Ngisi ni Vera. "Be thankful nalang Drey, dahil pinagbigyan namin ang pakiusap mo na ikaw ang magsasabi." Si Marga ulit. "We just hope that Zeth will understand. Alam naman namin na hindi mo talaga siya mahal eh. You just want to prove that no one has ever turned you down. And now you prove that it's true, so its enough. Layuan mo na si Zeth." "Poor him. Walang kaalam-alam na pinaglalaruan lang natin." Vera laugh evilly. "Well at least, nakaganti ka na Marge. Dapat magpasalamat ka pa kay Drey. She did you a favor. Ano kaya ang mararamdaman ni Zeth kapag nalaman niyang laro lang ang lahat ng ito? I can't wait to see his reaction." She licked her lips and look at them with dark serious eyes. Nagsisisi na talaga siya na pinag-aksayahan niya ang mga ito ng kanyang panahon. Pero kasalanan din naman niya because she let herself spend time with them even though she knew from the start na plastic lamang ang pakikitungo na ginagawa ng mga ito sa kanila ni Lila. But she won't let them bully her like this. Hindi siya ganoon. Marunong siyang lumaban kapag inaapi. Hindi niya hahayaan na tapakan lang ng mga ito. She didn't do anything wrong to them, so she don't need to stoop that low for them. Kung meron man siyang taong ginawan ng kasalanan, si Zeth iyon. Kaya dito lang siya magmamakaawa, dito lang siya makikiusap. Taas noo niyang ini-angat ang tingin sa mga ito, para lamang mapalunok ng sa paglagpas ng kanyang mga mata sa likod ng mga ito, ay nakita niyang nakatayo si Zeth sa entrada ng basketball court. "Z-Zeth..." Gulat na anas niya. Sa ayos ng mukha nito, alam niyang narinig nito ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD