CHAPTER SEVENTEEN

1664 Words
Akala niya nag-aaway ang Mama at Papa niya, dahil iyon naman palagi ang nangyayari. Pero dumating siyang tahimik ang buong loob ng kanilang bahay. Nagtanong na siya kanina kay Mang Amir, ang kanilang driver, kung may ideya ito sa nangyari sa bahay nila pero wala itong alam, dahil ng umalis ito ay hindi pa naman daw dumadating ang kanyang Papa. Pumasok siya sa loob, pero nasa entrada pa lamang siya ng pinto ng salubungin siya ng kanyang Mama. "Bumalik na ang Papa mo." Sabi nito. Her eyes are twinkling. Nasa labi rin ang ngiti. Sarkastiko siyang nagpalatak. "Dahil lang doon kaya pinauwi ninyo ako?" "Watch your words Andreanna. Humingi na ng tawad ang Papa mo, and he said that he will stay with us for good." "Then good for you." She said grimly. "Sana lang totoo na this time." Dugtong niya saka nilagpasan ito. Sawa na siya sa salitang iyon. Palagi na niya iyon naririnig. Sawang-sawa na rin siya sa pagiging tanga ng kanyang Mama. Hindi na ito nadala. One sweet words from her father, and she came running towards him at ito pa ang halos maglumuhod. "Andreanna..." Nakasunod ito sa kanya pagpasok. But she halted her step when she reach the sala. Naroroon ang kanyang Papa. Umangat ang tingin nito ng maramdaman ang presensiya niya. "Drey, anak.." Lumapit ito at niyakap siya. "I'm sorry about not going home for this past days. Nagkaproblema lang kami ng Mama mo, but we already talked, and we settled everything. Aayusin na namin ng Mama mo ang aming pagsasama." She look at him expressionless. "Is it for real? O isa na naman itong pagpa-paasa gaya ng mga nauna?" "Andreanna.." Saway ng Mama niya. "I'm sorry Papa," Sabi niya rito. "Pero hindi ninyo ako masisisi kung bakit ang hirap ng paniwalaan ang mga sinasabi ninyo. I already lost count of how many times you did it since I was a child. At ngayon--" "Alam ko marami akong pagkukulang sa inyo ng Mama mo, at marami rin akong nagawang kasalanan. Please forgive me for everything. I want to start anew with you, your mother, and Daisy.. sana bigyan ninyo ako ng pagkakataon." Kung mayroon man isang bagay na higit na nasinc-in sa kanyang utak ay yun ay ang pagbanggit nito sa pangalang Daisy. Saka niya pa lang natanto na hindi lamang silang tatlo ang nasa sala ng mga sandaling iyon. Dahil ng lumagpas ang tingin niya sa sofa, nakita niya ang isang batang babae na nakaupo sa gilid. Isang payat na batang babae. "Siya si Daisy, Drey.." Ang kanyang Mama na agad pumunta sa gilid ng bata. "Kapatid mo siya." Gulat siyang napa-angat ng tingin. A-Ano daw? Napabaling siya sa ama. "T-Tama ang iyong Mama, Drey. Kapatid mo si Daisy. At dito na siya titira kasama natin magmula ngayon." Hindi makapaniwalang idinako niya ang tingin sa kanyang Mama at sa bata, pagkunwa'y ibinalik sa kanyang Papa. "So.. this is the reason why you came back. Para ipamukha sa amin ni Mama ang bunga ng panloloko na ginawa ninyo sa amin." "Drey.." "You already hurt us enough, Papa. Hindi pa ba iyon sapat? Bakit kailangan ninyo pang dalhin dito sa bahay ang anak ninyo sa hali-" "Andreanna!" Ang kanyang Mama. Gimbal siyang bumaling dito. Paano nito nagawang tanggapin nalang ng ganoon ang lahat? Para lamang makasama ang kanyang Papa, handa na nitong lunukin ang lahat ng panloloko na ginawa nito? "Drey, patay na ang kanyang Mama." Bumaling siyang muli sa ama. She look at him with all the hatred in her eyes. "Kaya ngayon bumabalik ka sa amin?" She laugh sarcastically. "Eh di lumabas din ang totoo. Patay na ang babaeng pinakamamahal mo kaya bumabalik ka kay Mama? Hindi mo na mabubuo ang pamilya sa kanila kaya gusto mo ng buuin ang pamilya natin. And I almost believed you! We're not just a second choice Papa! We're not a second priority. Hindi kami panakip-butas lamang ni Mama!" Pagkasabi niyon ay mabilis siyang tumalikod at tinungo ang hagdan. "Andreanna!" sigaw ng kanyang mama. Pero hindi siya nag-abalang lumingon. "You don't have the right to talk to your father like that!" Galit na dugtong pa nito. Nagtiimbagang siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang batang babae. Nakasiksik ito sa gilid ng kanyang Mama na tila takot. Somehow she felt pain etched in her heart. Alam niyang walang kasalanan ang bata. Pero hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng sama ng loob at panibugho. This child had all the love she never had from her father. "Karapatan niyang umuwi rito, dahil bahay niya ito!" Her mom continued. Napatigil siya sa kalagitnaan ng hagdan. Mas lalo lamang sumakit ang dib-dib niya. They've been miserable all their lives pero heto at ang Papa niya pa ang kinakampihan nito. "Sinasabi ninyo bang ako ang walang karapatang umuwi rito?" "Andreanna.." Ang kanyang Papa. "Hindi iyon ang ibig sabihin ng Mama mo, she just want you to--" "To what? To just accept all of this? To just accept you, after all the misery we've been through? Bumalik ka nga, pero aminin mo ang totoo Papa, you came back not for us, you came back because you want to give your other daughter a complete family, dahil alam na alam mo na hindi magdadalawang isip si Mama na tanggapin ka ulit at ang anak mo." "It's my choice Andreanna. Hindi ako pinilit ng Papa mo. I was the one who asked him to come back. Kailangan niya tayo. Kailangan tayo ng kapatid mo." She closed her eyes tight. "Seems that it's already decided. Bakit pinauwi ninyo pa ako ng maaga? Wala naman pala akong magiging papel rito." Kalmado ngunit puno ng pait niyang sabi. And after saying that, mabilis na niyang inakyat ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Diretso siya sa kanyang kwarto. She locked the door after she went inside. Hindi niya alam kung ano nag nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. She's shocked, angry and hurt. And she really hate them for making her feel this way. Napasandal siya sa likod ng pinto at mariin na ipinikit ang mga mata. Alam niya masama ang magtanim ng galit at pagkamuhi sa magulang, but who's to blame? Tunog ng cellphone niya ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Nang kunin niya iyon sa kanyang bag, nakita niya na si Zeth ang tumatawag. Ah, ito nalang ang tanging magandang nangyayari sa buhay niya ngayon. If it wasn't for him, siguro tuluyan na siyang bumigay. She clear her throat before answering the call. Hindi nito dapat mahalata ang kalungkutan sa boses niya. Ayaw niyang mag-alala ito. Lalo na at nagtatrabaho ito. She don't want to be a distraction. "H-Hello Zeth.." pero pumiyok pa rin siya. "Anong nangyari? Are you okay?" Mababakas niya agad ang pag-alala sa boses nito. "I'm fine, don't worry." Pinilit niyang pasiglahin ang boses niya. "Nasa talyer ka na ba?" "Hmm, kararating ko lang. I was worried, kaya tumawag ako. Sigurado ka ba na okay ka lang? Yung tungkol sa Mama at Papa mo, naayos na ba?" "Yeah, it's settled. Hindi naman pala nag-away. May pinag-usapan lang na kailangan ang presensiya ko. Mag-o overtime ka ba ngayon diyan sa talyer?" "Hindi ko pa alam. Kung hindi matatapos agad, marahil. I'll text you when I'm done." "You don't have to do that Zeth. Alam kong magiging busy ka diyan. Isa pa, baka tulog na naman ako sa mga oras na iyon, hindi rin ako makaka-reply. Magkita nalang tayo bukas sa school." 'May sasabihin pa ako sayo...' kagat-labing isip niya. "I-te-text pa rin kita. Okey lang kahit hindi ka na magreply." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Ibababa ko na itong phone para masimulan mo na ang trabaho mo. See you tomorrow, Zeth." "Okay, see you babe. I love you.." She winced. Hindi na niya nagawang tumugon ng putulin niya ang tawag. She walk towards the bed. At pasalampak na humiga sa kama. She's tired.. no.. the right word to describe herself right now is... drained. Heart, mind and her soul. Sumasakit na ang ulo niya sa dami ng nasa utak niya ng mga sandaling iyon. Her parents, her new met sister, sina Marga, at si Zeth. Hindi na niya alam kung sino ang una niyang haharapin. With all of that in her mind, she fell asleep. Nagising nalang siya ng tumunog ulit ang cellphone niya. Madilim na sa kanyang kwarto ng magmulat siya ng mga mata. Ang tanging ilaw nalang na nagbibigay liwanag ay ang sinag ng tumutunog niyang cellphone. Inabot niya iyon mula sa kanyang gilid. It was an unknown number. Bago niya iyon sinagot, tiningnan muna niya ang oras sa ibabaw ng screen. It's eight in the evening. Halos apat na oras pala siyang nakatulog. "Hello, sino 'to?" "Hi Drey... naistorbo ba kita?" Kumunot ang kanyang noo. That voice... Muli niyang tiningnan ang screen. Malinaw na number lang ang nakarehistro, pero malinaw rin ang boses na naririnig niya. "Marga? Anong kailangan mo?" "Ako?" Tumawa ito. "Wala akong kailangan sayo, Drey. Ikaw ang may kailangan sa akin." She gritted her teeth. Pigil na pigil niya ang sarili na sigawan ito. "If it is about the bet, nakikiusap ako sayo Marge, hayaan mong ako ang magsabi kay Zeth." "Then I think it's late now, Vera is trying to call Zeth now. So if you want to tell him everything yourself, pumunta ka rito sa school gym." Mariing sabi nito saka pinutol na ang tawag. It left her in panic. No... Hindi pwedeng sa kanila malaman ni Zeth ang tungkol sa pustahan. Hindi pwede. It should be her to tell him at hindi sina Marga! Nagmamadali siyang bumangon at nagsukbit ng bag. Only to find that she's still in her school uniform. Mabilis siyang nagbihis, pagkatapos ay mabilis na binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at nagmamadaling bumaba. On her hand is her phone, trying to call Zeth. Pero busy ang number nito. At mas lalong nadepina ang kaba at takot niya sa isiping si Vera ang kausap nito kaya busy ang linya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD